Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Archive for Hunyo 24th, 2011

Sa ikalawang bahagi ng ating pagtugon sa argumento ng ating ka-diskusyon, hayaan ninyo po akong ipaskil ang ikalawang argumentong kanyang inilatag.

 

 

Mukhang di naman nilayo ni Mr. Paine ang issue…hindi lang suguro naintindihan ni Mr. Perito.

 

Kung babasahin lang ito ng mabuti at uunawain ni Mr. Perito…well sabi ni Thomas Paine (1) na ang mag-akda ng Mga Awit 22:1 ay nag-sasalita tungkol sa kanyang sarili at hindi patungkol sa ibang tao. Sa madaling salita, hindi po ito isang hula patungkol kay Hesus kung hindi ay isang sentimiento ng manunulat. Ang salita ay nakasulat sa “present tense” hindi sa “future tense”. (2) Hindi po nangangahuluggang “damit” ang ibig sabihin ng salitang “vestures”. Pwede rin po itong kagamitan, mga lote o kaya naman mga property…mga bagay na wala si Hesus…so papaano naman daw magkakaroon si Hesus ng mga propiedad kung sinabi nya na, “Foxes have holes and birds of the air have nests, but the Son of Man has no place to lay his head.” (Luke 9:58)

 

Ito kasi ang problema, according to most Christians (like Mr. Perito), Matthew 27:35 was the fulfillment of the  prophecy written in  Psalms 22:1 (See also: John 19:23-24)

 

 

Himayin natin mga kapatid ang kanyang naging pagtugon.

 

Kung ating pakakalimiin ang nais na iparating ng aking kadiskusyon, lumalabas mga kapatid na ang sumulat ng Psalms o Awit sa lumang tipan ay ang siyang dumanas ng nasabing paghihirap.  Tama ba ito?  Ang sagot? HINDI.

 

Base sa pag-aaral ng mga scriptural scholars, lumalabas na ang mahigit sa kalahati ng nilalaman ng Mga Awit ay galling sa panulat mismo ni Haring David.  Bagamat hanggang sa kasalukuyan ay di pa rin matukoy kung si Haring David nga lang ba ang may-akda ng lahat ng iyon o kung may mga iba pang may-akda, ang mahalaga ay ang katotohanang halos 70% ng Mga Awit ay galling sa mismong panulat ng dakilang Hari ng Israel.

 

Ngayong naihatag na natin ang katotohanan sa kung sino ang sumulat ng nasabing aklat mula sa lumang tipan, tingnan naman natin kung makatwiran ba ang argumento ni Ginoong Paine na lubusang sinunuportahan ng ating kapalitan ng opinyon.

 

 

Ok…well let us read both verses:

 

Psalms 22:19 They part my garments among them, and cast lots upon my vesture.

Matthew 27:35 And when they had crucified Him, they divided up His garments among themselves by casting lots.

 

Hmmmmm…sa unang tingin eh mukhang tama nga si Mr. Perito. Ngunit looks can be decieving.  Psalms 22 depicts the plight of the Jew who, as an individual, prays for an end to Israel’s long exile from its land and from the Temple in Jerusalem. It is not a messianic prophecy. The previous verse, Psalms 22:17, is critical to a correct understanding of the true context of this verse.

 

I can count all my bones; people stare and gloat over me.

 

Psalms 22:17 describes the person whose clothes are being divided as counting his bones while those who are taking his garments look on gloating. This starving man is so skinny that his bones are visible and can be counted. The “voice” here is still King David, as it is throughout the psalm, and he uses the act of taking and dividing his garments as a metaphorical reference to the desires of his enemies to take away his mantle of royalty and make it their own.

 

 

Kung ating paniniwalaan ang nagging argumento ni Ginoong Paine at ng aking kadiskusyon na ang nilalaman ng Mga Awit 22 ay patungkol sa nararanasang paghihirap ng may-akda, lubhang kataka-taka na nakapagsulat pa ang nasabing may-akda, di po ba?  Paano nating paniniwalaan na ang isang tula ng pagdarasal na kagaya ng Mga Awit 22 ay isang patungkol sa paghihirap ng may-akda at sa plano ng kanyang mga kalaban na lupigin siya?

 

Bakit kinakailangang ibahin ang pakahulugan nga mga talata gayung napakalinaw ng nais nitong ipahiwatig?  Pakatandaan natin mga kapatid na ang Mga Awit ay koleksyon ng mga awitin at tula na karamihan at nilikha mismo ni Haring David.

 

Ikalawang dahilang kung bakit mas dapat nating paniwalaan na ang nasabing sitas sa Mga Awit ay patungkol sa nangyari sa ating Panginoong Hesus ay ang nakamamanghang pagka-eksakto ng mga tala sa nasabing mga sitas kung ating ihahambing sa mga tala sa kaganapan sa Golgota.  Isang malaking kapalaluang sabihin na ito’y nagkataon lang sapagkat lubhang eksakto ang mga letra ng pagkakasulat sa nasabing aklat.

 

Tandaan natin mga kapatid na ang mga nasulat ukol sa paghihirap at pasyon ng Panginoong Hesus ay naisulat hindi lamang sa isa o dalawang ebanghelyo kundi sa apat na magkakaibang aklat na isinulat ng apat na magkakaibang tao.  Kung ito ay nagkataon lamang, paanong nangyaring apat na magkakaibang manunulat ang nagsalarawan ng iisang pangyayari?

 

 

Read Full Post »