Maraming mga doktrina at seremonya ang Simbahang Katolika na di lubhang naipapaliwanag sa mga mananampalataya. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Para saan ang misa?
Para saan ang rosaryo?
Bakit mayroong pari?
Dapat bang mangumpisal?
Paano ba ang tamang bautismo?
Ilan lamang ang mga katanungang iyan sa maraming mga bagay na sinusunod at ginagawa nating mga Katoliko ngunit di natin lubusang naiintindihan.
Sa pahinang ito, pag-aaralan natin ang mga seremonyas at mga doktrinang ito. Gagamit tayo ng mga pahayag ng mga Katolikong Iskolar sa Banal na Aklat at sa doktrina Katolika upang malinawan natin ang mga bagay na ito.
Halina, samahan niyo ako.
=====================================================================================
***********************************************************************************************************
======================================================================================
This is a question that I stumbled upon one of the Religious discussion forums that I normally logged in to. It is about a supposed contradiction in the Bible contained on the verses mentioned. Please read on:
Compare Acts 9:7 vs. Acts 22:9 Acts 9:6 and 22:10 vs. Acts 26:12-18 because of the problem with Paul’s account of his conversion.
Acts 9:7 And the men which journeyed with him stood speechless, hearing a voice, but seeing no man.
Compare to Acts 22:9 “And they that were with me saw indeed the light, and were afraid; but they heard not the voice of him that spake to me.”
Question: Did those who journeyed with him heard or didn’t heard a voice?
Although the same Greek word is used in both accounts (akouo) which was translated into the english word voice, it has two distinct meanings: to perceive sound and to understand.
Acts 9:7 states that the man that came with Paul during his journey at Damascus perceived the sound(akouo) but never understood which agrees with the statement made in Acts 22:9 which states that according to Paul, the man with him during that moment did not understand the voice(akouo) that spoke to him.
Sometimes, we need to look at the original form of the text to be able to properly understand what it wants to tell us.
God bless!
======================================================================================
************************************************************************************************************
======================================================================================
Isang katanungan ang muli nating bibigyang pansin sa artikulong ito. Isang katanungan na kadalasang ginagamit ng mga di-Katolikong sekta upang hikayatin ang mga katoliko na sumapi at magpabautismo sa kanilang sekta.
Tanong: Bakit sumasamba ang mga Katoliko sa mga imaheng gawa ng kamay ng tao?
Sagot: Bilang isang Katoliko, wala akong nalalaman o natatandaang opisyal na pahayag ng Iglesia Katolika para sambahin ang mga imahen. Ni isang artikulo mula sa mga opisyal na dokrtina ng Simbahan ay wala kang matatagpuang ganitong aral o atas sa mga mananampalataya.
Ang mga imahen ng Diyos ay hindi kailanman sinamba o pinagkalooban ng respetong para lamang sa tunay na Diyos ng Simbahang Katoliko. Magtanong ka sa mga pari at tiyak kong ganito rin ang kasagutang iyong makukuha.
Ang mga imahen ng Santo at Santa para sa mga Katoliko ay isang larawan lamang na kumakatawan sa anyo ng Diyos, partikular na ng Panginoong Hesus, nung ito’y nagkatawang tao. Ito ay isa lamang tagapagpa-alala na ang ating Panginoong Hesus ay nagkatawang tao upang bigyang katuparan ang dakilang istorya ng kaligtasan. Tulad ng isang simpleng larawan ng isang mahal sa buhay, normal mong nakikita ang mga katoliko na nangungusap sa harapan ng mga imaheng ito pero di ibig sabihin nito ay ang imahen mismo ang pinatutungkulan niya ng kanyang mga pangungusap. Ang bawat salitang namumutawi sa kanyang labi at ang bawat laman ng puso ng isang nananalangin ay para sa Diyos na nasa langit at di para sa imaheng nasa kanyang harapan. Tulad ng pakikipag-usap natin sa mga larawan ng mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar kapag tayoý nangungulila sa kanila.
Ang pagsasabing sinasamba ng mga Katoliko ang mga imaheng ito ay isang malaking kabalintunaan at isa lamang paraan ng mga nasabing sekta upang iligaw ang mga nasa sa tamang Iglesia.
Pagpalain nawa kayo ng Diyos na Maykapal!
======================================================================================
Tanong: Bakit kailangang mangumpisal sa mga Paring Katoliko gayung pwede namang mangumpisal ng direkta sa Diyos? Isa ito sa mga katanungang madalas na ipinupukol ng mga protestante sa mga mananampalatayang Katoliko bilang pagtuligsa sa mga kaparian. Sama-sama nating basahin ang sagot sa katanungang ito.
Sagot: Base sa Banal na Kasulatan, ang Diyos ang Siyang may kapangyarihang magpatawad ng kasalanan. Sinasabi sa Markos 2:7 Latin Vulgate ang mga katagang ito; “quid hic sic loquitur blasphemat quis potest dimittere peccata nisi solus Deus”. Sa saling tagalog, ito ang nakasaad, “Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya’y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang?”. Samakatuwid, tanging ang Diyos lamang ang may kapangyarihang magpatawad ng kasalanan. Si Kristo ay Diyos kung kaya’t ang kapangyarihan ng pagpapatawad nasa sa Kanya rin. Itoý nasasaad sa Markos 2:5 ng Latin Vulgate; “cum vidisset autem Iesus fidem illorum ait paralytico fili dimittuntur tibi peccata” na kung isasalin sa tagalog ay ganito ang sinasabi, “Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko,” Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.”
Ang kapangyarihang ito ng Panginoong Hesukristo ay Kanya namang iniatas sa kanyang mga Apostoles bago siya umakyat sa langit. Ito ay malinaw na nasasaad sa Juan 20:21-23 ng Latin Vulgate; “dixit ergo eis iterum pax vobis sicut misit me Pater et ego mitto vos hoc cum dixisset insuflavit et dicit eis accipite Spiritum Sanctum quorum remiseritis peccata remittuntur eis quorum retinueritis detenta sunt” na ng isalin sa tagalog ay eto ang ibig sabihin, “Sinabi na naman ni Jesus,” Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo. Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”
Samakatuwid, ang pagpapatawad sa mga kasalanan ay hindi isang simpleng proseso. Ang pagpapatawad ay dadaan sa dalawang napakahalagang hakbang. Una, ang kapatawaran sa lupa na ipinagkakaloob ng mga Apostol base sa iniwang tungkulin ng Panginoong HesuKristo sa mga ito , at ikalawa, ang kapatawaran ng langit na makakamit lamang kung nakamtan mo na ang kapatawarang ipinagkaloob ng mga Apostol. Sa simpleng pagaanalisa, ang kapatawaran ay kinakailangan munang matanggap dito sa lupa bago ka makatanggap ng kapatawaran mula sa langit.
Ang Romana Iglesia Katolika lamang ang tanging relihiyon sa buong mundo na mayroong pamunuan na nagmula pa sa mga unang Apostol ng Panginoong HesuKristo. Mula kay San Pedro na siyang itinuturing na unang Papa ng Iglesia, malinaw na matutunton mula sa mga aklat ng kasaysayan ng Iglesia ang mga sumunod pang Papa at Santo. Samakatuwid ‘bro at ‘sis, kung ang mga gawain at awtoridad ng mga Apostol ay di naputol at patuloy na naisalin sa mga sumunod pang pinuno ng Simbahang Katolika, malinaw nating masasabi na kasama sa mga tungkuling ito ang magpatawad ng pagkakasala alinsunod sa nakasaad sa Juan 20:21-23.
totoo po na masama ang magkumonyon pag hindi pa uli nakapagkukumpisal?matagal na po kasi akong hindi nangungumpisal kaya po pagnagsisimba po ako hindi po ako nagkukumonyon.
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.” Exodo 20:4-6 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw naman po ang nakasulat, ang gumawa ka pa lang ng inanyuang larawan ay bawal na ng Dios.
Ano po ba ang sinasabing inanyuang larawan?
Ang sabi po ng talata, “yaong mga kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa”.
Sa ibang aklat po sa Bibilia ay may mababasa na ganito:
Psalms 115:4-8
4 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;
6 Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.
Ang diosdiosan pala ay “yari ng mga kamay ng tao”, lumalabas po kahit saan nating dalhin ang mga rebulto ng katoliko pumapasok po siya sa deskripsyon ng diodiosan.
Maging bukas po sana tayo sa paghahanap ng katotohanan. Ipinanganak po akong katoliko at namuhay at nanampalataya sa aral ng katoliko ng halos 25 taon. Subali’t nang magumpisa po akong makapagbasa ng Bibliya nabuksan po sa akin ang isang malaking katotohanan na sa una ay masakit para sa akin na ang Bibliya mismo ang sumasaway sa pananampalatayang nakagisnan ko. Nagpasiya po ako na hanapin kung “Alin ang tama” sa pamamagitan ng Biblia at hindi kung “sino ang tama”. Sa gayon napaumpisa po akong sumaliksik sa lahat ng katuruan ng lahat ng relihiyon, at masasabi ko halos lahat ay may mga aral na ayon sa bibliya at halos lahat ay may aral na di ayon sa biblia.
Ang maipapayo ko lamang po bilang isang kapatid sa pananampalataya sa Panginoong Jesus, ay maging bukas po tayo sa posibilidad na may mali po sa ating nakagisnang paniniwala, at maging bukas po sana tayo sa pagtutuwid ng Dios sa ating mga pananampalataya.
Ang biyaya nawa ng Dios at kauunawaan sa kaniyang salita ay sumaating lahat.
Kapatid na Teofilo, malinaw sa iyong pinaskil na ang pagbabawal ay para sa mga diosdiosan. Ang tanong ko sa iyo ay ito, maituturing mo bang diosdiosan ang mga imaheng sumisimbolo sa Panginoong HesuKristo?
Kapatid na Aimie,
In canon 856, we find that this is equally true for lay persons:
Anyone having a mortal sin weighing on his conscience must not receive Holy Communion without first having recourse to sacramental confession, even though he considers himself to have true contrition; in the case of necessity and in the absence of a confessor, he must first make a perfect act of contrition.
samakatuwid Kapatid, ang pagliban sa pangungumunyon o pagtanggap sa katawan ni Kristo sa pamamagitan ng banal na sakramento ng komunyon ay para lamang doon sa mga taong nakagawa ng mortal na kasalanan at di pa nakatatanggap ng kapatawaran sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal.
ang mga kasalanan mo ba ay pumapasok sa kategorya ng mortal na pagkakasala? kung hindi, maari kang magsisi ng taos sa iyong puso at gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa at nakasisiguro ako na maaari ka ng tumanggap ng komunyon.
paalala, mas mabuti pa rin na ugaliin nating regular na mangumpisal.
Pagpalain ka nawa ng Diyos!
Ang sabi po ninyo sa tanong ninyo ay kung maituturing po bang dios-diosan ang larawan na sumisimbulo kay Cristo? Eto din po ang tanong at nais ko pong masagot po sana ninyo, ano po ang inyong MATIBAY na patotoo na ang mga larawan na nasa loob ng simbahan ay SIYANG TUNAY NA LARAWAN MISMO ng Panginoong JesuCristo? Meron po bang nakakita na sa kanya para masabi po natin na iyon ang larawan ng Panginoong JesuCristo? Salamat po sa pagsagot.
hi, dati pa ako nagtataka kung bakit hindi masyadong nagdwedwell ang simbahang katoliko sa libro ng revelation. hindi ko ito masyadong naririnig basahin sa mga readings(nagsisimba po ako tuwing linggo). ano ang stand ng simbahan sa rupture? sa antichrist? sa mga born again kasi, big deal sa kanila ang ganitong usapin.
ang sabi nyo, “…Ang mga imahen ng Santo at Santa para sa mga Katoliko ay isang larawan lamang na kumakatawan sa anyo ng Diyos,…”.Hindi po ba’t ayon sa Juan 4:24 ang Tunay na Diyos ay Espiritu sa kalagayan at ang isang espiritu ay walang laman at mga buto ayon mismo sa Panginoong JesuCristo sa Lucas 24:38-39.Paano ninyo nasabi na ang mga imahe ng inyong mga santo at santo ang siyang mga larawang kumakatawan sa Tunay na Diyos gayong ang tunay na Diyos ay hindi nakikita dahil wala siyang materya? ito lang po ang katannungan ko.Maraming salamat po.
Kapatid, di mo ba naiintindihan.. Ginagawa lang natin silang Image.. Parang ang mahal mo sa buhay.. May Picture siya diba kakausapin mo yun parang ganun lang din. .. Diba yun ang kakausapin mo.. At ang iyong dasal ay mapupunta sa tunay na diyos.. hindi yong kinakausap mo.. na image ng mga santo at santa. .
GOD BLESS Sayo 😀
diba ayaw ng Diyos na gumawa ng imahe ? ayaw nga itong luhuran (Exo 20:3-5) at sambahin paano mo nasasabi na tatanggapin ng Diyos ang dasal mo na ayaw nga niyang gumawa ang tao ng mga imahe upang sambahin… diba parang tanga ka lang ?
Warlito,
Mali ang iyong pagkakaunawa ng Dekalogo. Ganito ang nasusulat.
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.” Exodo 20:4-6 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Napakalinaw na ang ipinagbabawal ay ang pagyuko o paglilingkod sa mga larawan o kawangis na tulad ng isang diyos. Wag mong lituhin ang iyong sarili sa bagay na iyan.
Pagpalain ka nawa ng Diyos.
mali pa rin, ang sagot mo kapatid, katoliko ako, pero hindi na ako lumuhod sa rebulto at humaharap. paulit ulit na sinabi sa bibliya ang tungkol dyan sa rebulto ay bakit ginawa pa rin ng simbahan natin ang ganyan. Ang Diyos ay dapat sambahin sa espiritu at katotohanan. Ibig sabihin espiritual wala sa material. Nagsisimba din ako dati araw-araw, linggo-linggo, pero ngayon hindi na, kinikilabutan ako sa mga ginagawa sa simbahan, isang beses nakapila ako , pinapahalikan yung relics ni st francis, tapos yung rebultong sanggol ni jesus, habang nakapila ako sabi ko Dios ko, wag ko po sana ipagkasala ito dahil kayo lang po sinasamba ko. Walang basehan sa bibliya ang mga ginagawa ng ating simbahan, nakakatakot, paulit-ulit na sinabi na ang tungkol sa rebulto, bakit ginawa pa rin. Bakit ang ibang sekta kaya sumamba ng walang rebulto, bakit tayong mga katoliko gusto pa may nakikitang rebulto para lang makipag-usap sa Dios, so ano po masasabi natin sa ganito, Tayo lang ba ay sasamba dahil sa nakikita?
Bagong Buhay,
Kapag ba nanonood ka ng TV at humahanga sa isang artista, sino ang hinahangaan mo? Yun bang artista o yung TV? Ganun rin ang doktrina ng pagkakaroon ng mga imahen o rebulto. Hindi porke’t humahalik ka sa imahen ni Kristo, ang ibig sabihin ay sinasamba mo na ang bato o kahoy na imahen. Ang paggalang ay iniaakma para sa tunay na Diyos na kinakatawan lamang ng kanyang representasyon. Walang ipinagiba iyon sa pagbabasa at paniniwala natin sa mga nasusulat sa Biblia. Ano ba ang iyong pinaniniwalaan, ang papel na kinalilimbagan ng Biblia o ang mga nasusulat dun na mula sa mga taong pinatnubayan ng Diyos para sumulat noon?
Pagpalain ka nawa ng Diyos Kapatid.
Humihiling ka ba sa isang larawan at para ito mamagitan sa iyong panalangin kundi mo ito pinaniniwalaang may kakayahan at kapangyarihang gawin ito? Magpakatotoo lang po tayo at wag i-justify ang maling pamamaraan!
Kapag ba kinakausap mo ang larawan ng pumanaw mong mahal sa buhay ay naniniwala kang sasagot ang larawang iyon? Magpakatotoo ka lang at wag mong i-justify ang mali mong pagkakaintindi.
Nasa 2nd commandment po ng Diyos yung mga rebulto…Hnd po nalulugod ang Diyos sa mga rebulto. kinamumuhian po ng Diyos yung ginagawang pagsamba ng mga tao. binigyan po tyo ng DIyos ng pamantayan kung papanu tyo dapat sumamba sa knya, pero hnd po yun gusto ng mga tao pinagpipilitan po ng tao yung gusto nyang pamamaraan ng pagsamba na kinamumuhian nmn ng Diyos….mas gusto po ng taong makinig sa tao kesa pakinggan at sundin ang DIyos. Namulat po tyo sa maling kaugalian at katuruan tungkol sa DIyos. Mas maige po na mag aral tyo ng Salita nya (BIBLE) pra higit ntin syang makilala at maunawaan, yun lng po ang kaparaanan pra ntin xa makilala hnd po sa mga sabi sabi ng tao o katuruan ng tao o simbahan…kung mamapansin nyo po na inalis po ng Catholic ang 2nd commandment ng Diyos sa Exodus..Napakalaking kasalanan po yun sa Diyos parurusahan po ng Diyos ang gumawa nun.
May panahon pa po pra magbago nag aantay lng ang Diyos sa atin. Magsisi tyo at manumbalik sa knya. Pag aralan po ntin ang SALITA nya (BIBLE) mas higit po ntin xa makikilala. wag po tyo bsta maniwala sa mga sinasabi at tinuturo ng tao ng wlang basehan sa SALITA nya. Makinig po tyo at sundin ang mga pinag uutos ng Diyos kesa sa sinasabi at pinapagawa satin ng TAO…Importante mo na sundin ntin ang pinag uutos ng DIyos sa atin. JESUS is the way..wl nmn po iba. hnd po ang mga tao o ang simbahan ang magliligtas sa atin. Jesus is the only way – JOhn 14:6… Godbless…
Nandito po ako pra tulungan kyo kung nalilito po kyo pede kyong magtanong God will make a way….Jesus po ang sasagot sa mga katanungan nyo at sya po ang magbibigay ng KATOTOHANAN sa inyo hnd po ako……eto po email ko ” gimkel6@yahoo.com ” ..Salamat..
Unang una Gerald Javier, walang aral ang Simbahang Katolika na nagsasabing sambahin ang mga rebulto. Kung may mailalabas ka na kahit isang opisyal na dokumento mula sa Vatican na nagpapakitang iniutos ng Iglesia Katolika ang pagsamba sa mga rebulto, Kagyat kong tatalikuran ang Katolisismo.
Ikalawa, sino ang nagsabi sa iyong inalis ng Iglesia Katolika ang ikalawang utos sa Exodo? Hindi mo ba alam na dalawa ang bersiyon ng Dekalogo? At sa parehas na bersiyon, iisa ang sinasabi at walang inalis ang Iglesia Katolika mula rito.
Paumanhin Gerald pero ikaw at ang mga kasama mo ang naliligaw mula sa tamang aral. Kung handa kang tumindig sa isang pormal na debate dito sa Weblog ko, sabihin mo lang at ng maiayos natin.
Kuya robinhood sabi ” para sa mga Katoliko ay isang larawan lamang na kumakatawan sa anyo ng Diyos, partikular na ng Panginoong Hesus, nung ito’y nagkatawang tao. Ito ay isa lamang tagapagpa-alala na ang ating Panginoong Hesus ay nagkatawang tao upang bigyang katuparan ang dakilang istorya ng kaligtasan
Sir pwd namang kausapn c jesus dretso db?bkt kailangan pa po na humarap sa gawang kamay na larawan tsaka nkalagay po sa bible na huwag din luhuran ang rebulto bkit hinahayaan nyo pa dng lumuhod sa larawan.
Ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang pagluhod sa harapan ng mga inaayuhang larawan at rebulto habang sinasamba ang mga ito bilang diyos-diyosan.
“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;” Exodo 20:4-5
Malinaw ang nasusulat. Bawal ang paggawa ng mga larawang inanyuan kung ito ay iyong yuyukuran bilang diyos sapagkat ang Diyos ay mapanibughuin.
Magandang katanungan iyan kapatid na robinhood. Sasagutin ko ang katanungan mo sa pinakamaikling paraaan na makakaya ko.
Ang sabi mo, “Hindi po ba’t ayon sa Juan 4:24 ang Tunay na Diyos ay Espiritu sa kalagayan at ang isang espiritu ay walang laman at mga buto ayon mismo sa Panginoong JesuCristo sa Lucas 24:38-39”. Tatanungin kita kapatid, naniniwala ka bang si HesuKristo ay Diyos? Kung oo, ikaw na rin ang sumagot sa iyong katanungan. Kung hindi, malaking suliranin iyan kapatid at kakailanganin natin ng mas mahaba-habang paliwanagan.
Pagpalain ka nawa ng Panginoong Diyos.
sige nga po , ipaliwanag nio nga po ? diba wla nmang 3 persona n nkasulat sa biblia? saan nio kinuha ang bagay na un? at kung dios din si Cristo , at Dios din ang sinasabi niong espirito santo . 3 na ang Dios?
Kung nagbabasa ka ng biblia mo, malalaman mo na nasusulat sa Mateo 28:19 ang ganito.
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:”
Tanong, bakit ihahabilin ni Kristo na magbautismo sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo kung hindi sila pantay-pantay sa pagka-Diyos?
patunayan mo muna n ung mga larawan at mga rebulto nyo ay kumakatawan sa tunay na Diyos. Ngayon kung cno ang mga diyos sa inyo bahala ka na kahit cnong gamitin mo. Pag nasagot mo na 2 saka ka na lang magtanong yun e kung masasagot mo ng tama c”,)
nxt tym magpo2st ako cnabi ng mga pari ninyo ipinasasamba ang mga rebulto nyo. Call?
sa iyo Kapatid na Keitaro,
una, sinagot ko ang tanong ni Robinhood ng maayos…simple lang, si Kristo ay Diyos para sa aming mga katoliko at si Kristo ay hindi lamang sa espiritu kundi pati sa laman….samakatuwid, ang mga rebulto/imahen/larawan na gawa ng tao ay kumakatawan sa isang tunay na Diyos na buhay at iyon ay walang iba kundi si HesuKristo.
ikalawa, sa tono ng iyong mga komento ay tila tinatawaran mo ang kakayahan kong ipagtanggol ang doktrina ng Iglesia Katolika…kung seryoso ka at talagang sa tingin mo ay kaya mong basagin ang aming pananampalatayang katoliko, gawin nating pormal sa weblog na ito at dun tayo sa iDebate….tutal ikaw ang naghahamon eh…
pero eto ang mga kundisyon….
una, ipapakilala mo ang tunay mong pangalan, maglalagay ka ng totoo mong larawan at pagkakakilanlan….at malinaw mong ibabahagi sa lahat ang iyong kinaaaniban…..
kung sang-ayon ka sa mga kundisyong iyan, ilalatag natin ang panuntunan ng diskusyon….
pagpalain ka nawa ng Diyos.
Paano kung ayoko may magagawa ka ba? saka kung para sa’yo tila tinatawaran ko ang kakayahan mo nasasaiyo na un saka bakit naman aq lalaban sa iDebate masyado mo naman yata akong sineseryoso
brad pag dating sa pananampalataya diba dapat seryoso?at debate sa t.v wag sa internet para maraming makakita..
Kaibigang Laring,
Ano ang kaibahan ng debate sa “weblog” at ng debate sa TV? Kung sasabihin ninyo na mas epektibo ang debate sa TV, di ba’t marapat lamang na bumalik sa Pilipinas si Bro. Eli para pormal na hamunin ang sinumang pari, obispo o kardinal ng Iglesia Katolika sa isang “live television debate”?
Keitaro pustahan tayo hindi ka nagbabasa ng bible or baka wala ka talagang pinaniniwalaan at worst wala kang diyos. Wag kang maninira kung wala ka nmn spat na kaalaman. Magbasa ka muna or magsimba ka magreseach ka. Pumunta ka sa ibat ibang simbahan ng ibat ibang relihiyon. Tas pag marami ka ng nalalaman eh tsaka mkipgusap tungkol dito. Kc halatang wala ka pang alam sa mga ganitong bagay.
kung talagang alam mo na kaya mong gibain ang pananampalatayang katoliko, bakit umaatras ka sa diskusyong ito? at hindi ba’t ikaw ang naghamon? sa pagtanggi mo, ipinapakita mo lamang sa mga mambabasa ng weblog na ito na takot lumantad ang mga katulad mo sapagkat alam mong ligwak ang doktrina ng pananampalataya mo….
pagpalain ka nawa ng Diyos kapatid at ng maliwanagan ka sa tunay na landas ng kaligtasan….
Tanong ko lang po anu-ano po ba ang mga maaaring ikumpisal sa mga pari?
Anu-ano po ba ang maaaring ikumpisal sa mga pari?
isa akong romano katoliko nagdarasal ako kay mother mary na ipanalangin nya ako sa kanyang anak na si hesus,tama naman un di ba?hindi pa ako nangungumpisal buhat nung grade 3 pa lang ako ung 1st komunyon ko.mali ba yun? may masasabi po ba ka yo tungkol sa verichips?parang hindi ito ipinapaliwanag ng mga pari sa misa?salamat po.. God bless…
Mga Katanungan ko po?????
1. Father, ano po ang masasabi nyo tungkol sa isang TAO o nag-attend ng Gawain na sa kalgitnaan ng PRAISING ay bigla na lang nababaligtad o natutumba? Wala naman syang sakit bigla bigla na lang…Ano po ang mga kadahilanan nito????Kung pwede lang po paki-paliwanag nito sa akin???
2. Everytime po na ako ang mag-SPIRITUAL HEALING marami po ang umiiyak, nababaligtad, natutumba????
3. Father, meron din pong times na lalapit sa akin mag-sasabi na salamat for touching our lives alam ko po na si LORD ang kumikilos sa akin that time kaya sinasabi ko sa kanila na kay LORD kayo magpasalamat.
4. Ano po ba ang dapat gawin kapag mayroong isang taong bigla na lang natumba sa kalagitnaan ng Praising at Spirtual Healing? Advisable po ba na dapat bang hawakan? Painumin? pahiran ng langis? Etc. Give me po an ideas what we will do??
5. Ito po ang last at napakahalagang katanungan ko sa inyo. Meron pong gustong magpa-LAY HANDS o PRAY OVER sa akin kasama ang mga PILING tao na ni-REQUEST nya na GUSTO daw nya eh kami lang ang MAG LAY HANDS sa KANYA…But before that Father, I ask her friends WHY? Nasabi po ng kaibigan nya sa akin eh kapag umaatend o dumadalo sya sa Gawain para daw may humihiwalay sa kanya? Then kapag daw kinakanta na ang EL SHADDAI nanlalamig sya at nararamadaman nyang may gustong PUMASOK sa KANYA na pinipigilan NYA,,, ngayon, di rin nya ito maintindihan kong ano ito? Wala po syang sakit, Kaya nag-rerequest po sya sa amin na maPRAY OVER namin sya para matanggap daw nya ito ng buong-buo? Tanong ko po Father bakit po sya nagkakaganon? ANo po yon? Ano po kaya ANG MGA DAPAT KONG GAWIN? Marami na po syang beses na nagkakaganon? Ano po ang dapat kong ipaliwanag sa kanya? Meron po bang kapaliwanagan sa BANAL NA AKLAT tungkol dito???
Kapatid na Brando Brazil,
Sa una mong katanungan: isa akong romano katoliko nagdarasal ako kay mother mary na ipanalangin nya ako sa kanyang anak na si hesus,tama naman un di ba?
Tama ka Kapatid sapagkat ang Mahal na Birheng Maria ay yung tinatawag nating “intermediator” o tagapamagitan natin patungo sa Panginoong Hesus. Humihiling tayo sa Mahal na Birhen na tulungan tayong manalangin sa kanyang anak na si HesuKristo.
Sa ikalawa mong tanong: hindi pa ako nangungumpisal buhat nung grade 3 pa lang ako ung 1st komunyon ko.mali ba yun?
Hindi mali ang bagay na ito kung wala ka namang ginagawang kasalanag mortal. Tandaan mo kapatid na ang pangungumpisal, bagamat inirerekomendang gawin ng regular, ay di naman “compulsary”. Bisitahin mo ang website na ito kapatid http://www.catholic.org.sg/cn/wordpress/?p=2034
Ganunpaman, inaanyayahan pa rin kitang mangumpisal ng regular, mga 2 beses kada taon. Ito’s makatutulong ng malaki sa iyong paglago sa aspetong spiritual.
Kapatid mula sa Kingdom of Bahrain,
Una Kapatid, di ako pari. =)
Para sa mga katanungan mo, susubukin kong sagutin ito ng sa abot ng aking makakaya.
#1. Ano po ang masasabi nyo tungkol sa isang TAO o nag-attend ng Gawain na sa kalgitnaan ng PRAISING ay bigla na lang nababaligtad o natutumba? Wala naman syang sakit bigla bigla na lang…Ano po ang mga kadahilanan nito????Kung pwede lang po paki-paliwanag nito sa akin???
Ang tawag dito ay yung being slained by the Holy Spirit. May biblical basis ang phenomena na ito. Ito ay mababasa natin sa Ezekiel 1:28. Sinasabi dito na si Propeta Ezekiel ay napatirapa ng makita ang kaningningan ng Diyos.
“As the appearance of the bow that is in the cloud in the day of rain, so was the appearance of the brightness round about. This was the appearance of the likeness of the glory of the LORD. And when I saw it, I fell upon my face, and I heard a voice of one that spoke. ”
Samakatuwid Kapatid, lumalabas na ang kaningningan ng kapangyarihan ng Diyos ay kayang ipatirapa ang isang taong nakakasaksi o tumatanggap nito.
#2.Everytime po na ako ang mag-SPIRITUAL HEALING marami po ang umiiyak, nababaligtad, natutumba????
Kapatid, likas sa mg Charismatic healing sessions ang mga ganitong uri ng pangyayari. Nagkataon lamang na ikaw ang ginagamit ng Panginoon bilang daluyan ng Banal na Espiritu sa mga oras na iyon. Walang masama sa bagay na ito bagkus, dapat mo itong ipagmapuri sa Diyos sapagkat Siya ay kumikilos sa pamamagitan ng Kanyang mga manggagawa.
#3. Father, meron din pong times na lalapit sa akin mag-sasabi na salamat for touching our lives alam ko po na si LORD ang kumikilos sa akin that time kaya sinasabi ko sa kanila na kay LORD kayo magpasalamat.
Marapat lamang ito Kapatid upang ibalik natin ang sa ganang Kanya. At importante rin ito upang ipaalam sa mga tao na hindi ikaw o ako o ang kahit na sinuman ang nagpapagaling kung hindi ang Panginoong Diyos.
#4. Ano po ba ang dapat gawin kapag mayroong isang taong bigla na lang natumba sa kalagitnaan ng Praising at Spirtual Healing? Advisable po ba na dapat bang hawakan? Painumin? pahiran ng langis? Etc. Give me po an ideas what we will do??
Kapatid, mas marapat na kausapin mo ang inyong kura paroko ukol sa bagay na ito. Sila ang mas may kaalaman para magturo ukol sa mga ganitong gawain.
#5. Ito po ang last at napakahalagang katanungan ko sa inyo. Meron pong gustong magpa-LAY HANDS o PRAY OVER sa akin kasama ang mga PILING tao na ni-REQUEST nya na GUSTO daw nya eh kami lang ang MAG LAY HANDS sa KANYA…But before that Father, I ask her friends WHY? Nasabi po ng kaibigan nya sa akin eh kapag umaatend o dumadalo sya sa Gawain para daw may humihiwalay sa kanya? Then kapag daw kinakanta na ang EL SHADDAI nanlalamig sya at nararamadaman nyang may gustong PUMASOK sa KANYA na pinipigilan NYA,,, ngayon, di rin nya ito maintindihan kong ano ito? Wala po syang sakit, Kaya nag-rerequest po sya sa amin na maPRAY OVER namin sya para matanggap daw nya ito ng buong-buo? Tanong ko po Father bakit po sya nagkakaganon? ANo po yon? Ano po kaya ANG MGA DAPAT KONG GAWIN? Marami na po syang beses na nagkakaganon? Ano po ang dapat kong ipaliwanag sa kanya? Meron po bang kapaliwanagan sa BANAL NA AKLAT tungkol dito???
Kapatid, marapat na kausapin ng inyong punong tagapaglingkod o ng inyong spiritual director ang taon iyong nabanggit sapagkat nalalapit na siya dun sa tinatawag nating idolatry na isang malaking pagkakamali. Hindi nakabase sa kung sino ang nagdarasal o ang nagpapatong ng kamay upang makamtan natin ang kagalingang kaloob ng Espiritu ng Diyos. Ito ay nababatay sa ating pananalig at pananampalatayang pagagalingin Niya tayo at pagpapalain Niya tayo. Ito ang dapat nating laging isaisip.
God bless Kapatid.
kapatid,
ako po ay isang Katoliko na may gustong malaman tungkol sa ating pananampalataya. okey so nakita ko po ang sagot sa tanong na “Bakit sumasamba ang mga Katoliko sa mga imaheng gawa ng kamay ng tao?”
iibahin ko lang po ang tanong “bakit LUMULUHOD ang mga Katoliko sa mga imaheng gawa ng kamay ng tao?”
yun po kapatid, God bless po =)
Lumuluhud sila.. dahil nag darasal sila sa panginoong may kapal.. Di namin sinasamba ang Image nayun.. Ilang ulit na poyan na explaine
God Bless 😀
Kung ang katoliko ay sumusunod sa mga aral sa Banal na Bibliya e bakit ang mga doktrina ninyo ay “kontra” sa mga turo sa Bibliya??
Halimbawa ay:
1. Pagsamba sa mga imaheng gawa ng tao (Mga Dios Diosan)
2. Pagdasal ng paulit ulit gamit ay rosary.
3. Pagtawag sa PARI as Father at sa pope as Holy Father
4. Purgatory
5. Limbo
6. Infant Baptism
at marami pang iba.
Jayson
Iglesia ng Diyos
Kapatid na Jayson,
Una sa lahat, nais kong linawin na ang mga paratang na iyong inilahad ay hindi na bago at matagal ng sinagot at pinasinungalingan ng Iglesia Katolika…di ko nga lang maintindihan kung bakit likas na ata sa inyong mga anti-katoliko ang paglulubid ng buhangin at pagpaparatang ng walang katotohanan….isa-isahin natin…
Pagsamba sa mga imaheng gawa ng tao (Mga Dios Diosan)
— una, sino ba ang maysabi na sinasamba naming mga katoliko ang naturang mga imahen bilang diyos? wala ni isa mang katoliko ang magsasabi sa iyo na ang Poong Nazareno ang aktuwal na Diyos bagkus, ito ay isang representasyon lamang ng Panginoong Hesus noong panahon na naghihirap Siya patungo sa Golgota…malinaw na baluktot ang paratang mo kapatid….
Pagdasal ng paulit ulit gamit ay rosary
— sinasabi ba ng banal na aklat na bawal ang pagdarasal ng paulit-ulit? itanong nga natin sa biblia….basa
“At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.” [Mateo 6:7]
ayun naman pala eh…ang ipinagbabawal ay ang walang kabuluhang paulitulit….hindi basta paulit ulit lamang….dapat nating intindihin ng tama ang sitas para maunawaan ito at mangatuto tayo….ang rosaryo, bagamat paulit-ulit, ay puno ng kabuluhan sapagkat sa pamamagitan ng Santo Rosaryo ay inaalala naming mga katoliko ang buhay at kamatayan ng Panginoong HesuKristo….
kung ang magiging basehan natin ay ang paulitulit lamang, eh di masama rin palang dasalin ang Ama namin ng makailang ulit bagamat ito ang dasal na itinuro mismo ni Kristo?
Pagtawag sa PARI as Father at sa pope as Holy Father
— kapatid, malamang ang tinutukoy mo ay ang sitas na ito…
“At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka’t iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga’y siya na nasa langit.” [Mateo 23:9]
ang problema, masyadong literal ang ginawa mong pagpapakahulugan sa sitas na iyan…kung susundin mo ng literal ang sitas na iyan, ibig sabihin mali na tawagin nating ama ang ating makalupang tatay….
ang sitas na iyan ay mula sa isang pangyayari sa naturang kapitulo kung saan pinuna ni Kristo ang kayabangan ng mga pariseo at eskriba…
“At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga. At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila’y tawagin ng mga tao, Rabi. Datapuwa’t kayo’y huwag patawag na Rabi: sapagka’t iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid.” [Mateo 23:6-8]
ang nais tukuyin ni Kristo sa naturang sitas ay ang pag-iwas sa pagtataas sa mga taong di karapat-dapat na tawaging ama o guro bagkus, ibigay lamang ang naturang paggalang sa taong karapat-dapat para dito….tulad ni Apostol Pablo na inangkin ang pagiging ama ng iglesia sa Corinto….basa
“Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” [I Mga Taga-Corinto 4:15]
ang pagkakaroon ng mga ama sa iglesia ay isang bagay na matagal ng ginagawa ng mga apostol…tulad sa sitas na ito….basa
“Kayo’y sinusulatan ko, mga ama, sapagka’t inyong nakikilala yaong buhat nang pasimula ay siya na. Kayo’y sinusulatan ko, mga binata, sapagka’t inyong dinaig ang masama. Kayo’y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka’t inyong nakikilala ang Ama.” [I Juan 2:13 ]
malinaw na si Apostol Juan mismo ang tumawag sa mga miyembro ng iglesia bilang ama….kung susundin ang iyong argumento kapatid na Jayson, ibig mo bang sabihin ay mali ang apostol na si Juan?
Purgatory o Limbo
— isa pang maling paratang kapatid….pangatlo na ito….basahin mo ang sitas na ito….
“Na iyan din ang kaniyang iniyaon at ipinahayag ang pagtatagumpay sa mga espiritung nasa bilangguan” [I Pedro 3:19]
samakatuwid, mayroon palang destinasyon na iba maliban sa langit at impiyerno…dahil sa sitas na aking binanggit, malinaw na ang mga espiritu ay wala sa langit ni sa impiyerno kundi sa bilangguan….at para sa doktrina ng Iglesia Katolika, ang bilangguang ito ay ang limbo o purgatoryo na siyang patutunguhan ng mga kaluluwang di pa lubusang nalinis sa pagkakasala…..
Infant Baptism
— eto pa ang isang malaking kasinungalingan at kaignorantehan ng mga anti-katoliko….basahin mo nga ang sitas na ito…
“At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa’t nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila’y sinaway nila. Datapuwa’t pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka’t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.”[Lucas 18:15-16]
kailangan pa bang i-memorize iyan?
Kapatid na Jayson, paki-paalala kay Brod Eli na di pa niya nasasagot yung tanong ko sa blog niya ukol sa bautismo…..isang taon na mahigit iyon pero di pa rin niya sinasagot? simple lang naman ang tanong ko….ayon sa biblia, bawal ba ang bautismo na di inilulubog sa tubig ang buong katawan?….baka kamo tapos na siyang magsaliksik, pakisagot niya na kamo ako 😉
Bakit ba nagagalit sa atin ang mga di-Katoliko Kapatid na fperito sa tuwing ipinagsasanggalang natin ang pananampalatayang Katoliko? Sila lamang ba ang may karapatang ipahayag ang kanilang pananampalataya?
Kasi kapag ipinagtatanggol natin ang ating paniniwala, pinalalabas nila na inuusig natin sila, samantalang sila naman ang unang nanguusig.
kapatid na joseph02,
ngayong batid na natin na ang mga “imaheng gawa ng kamay ng tao” ay nagsisilbing simbolismo ng Diyos, walang masama sa pananalangin at pagluhod sa harapan ng mga ito KAPAG ang panalangin ay patungkol sa Diyos na totoo….SUBALIT kung luluhod ka sa mga imahen o rebultong ito sa paniniwalang ang rebulto mismo ang magpapagaling sa iyong karamdaman o magbibigay katuparan sa iyong kahilingan, iyan ay isang malaking kabalintunaan….
God bless kapatid…
kapatid na Roland,
natural lamang ang kanilang galit na nararamdaman sa bawat pagpapasinungaling natin sa kanilang mga paratang sapagkat lumalabas na mali at puro kasinungalingan ang kanilang mga itinuturo….
God bless!
Pagsamba sa mga imaheng gawa ng tao (Mga Dios Diosan)
– E bakit po sa simbahan ay ang mga tao nagdadasal sa mga santo at nag sign pa ng krus. gawain ko po ito nung catholic pa ako at turo ng mga pari.
FPERITO: Kapatid, pag nagdarasal ka ba nung Katoliko ka pa lamang, sino ang nasa-isip mong magbibigay kaganapan sa iyong kahilingan? Ang imahen ng Kristong nakapako sa krus sa harapan mo ang Panginoong Hesus na kinakatawan ng imaheng iyon?
“ang rosaryo, bagamat paulit-ulit, ay puno ng kabuluhan”
-E di paulit ulit din po kahit saan mapunta ang usapan.. hindi nyo naman nai justify na biblical ito. ano po punto nyo na may kabuluhan?? e paulit ulit nga?? di naman po siguro dapat kulitin ang Diyos di ba po??
FPERITO: Kapatid, ang tanong ko sa iyo ay ganito. Ipinagbabawal ba ng Panginoong HesusKristo ang paulit-ulit na pagdarasal? Ang sagot ay HINDI. Dahil si Kristo mismo ay nagdarasal ng paulit-ulit. Basa!
“Pagbalik niya, nasumpungan niya silang muling natutulog sapagkat lubha na silang inantok. Iniwan niya silang muli at nanalangin sa ikatlong pagkakataon. Sinabi niyang muli ang gayong panalangin.” Mateo 26:43-44
Pagtawag sa PARI as Father at sa pope as Holy Father
““Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” [I Mga Taga-Corinto 4:15] ”
Basahin nyo nga po ulit ito. di ba sabi wala nga kayong maraming mga ama.
pano mo nasabi na MGA AMA SA IGLESIA???
Di ba sabi ng panginoon siya ang tawaging AMA lamang although in religious perpective pero po yun AMA sa laman dapat ding tawaging AMA like our Biological father kasi wala namang nilabag. isa nga sa anak ni Abraham tinawag si Abraham na AMA. iBig sabihin pwede ang AMA sa laman.
FPERITO: Sigurado ka ba kapatid na wala ni isa man sa mga Apostol ang umangkin sa terminong “ama” o “father” ng pananampalataya kapag pinaguusapan ang kanilang mga unang iglesia? Bibigyan kita ng halimbawa. Basa!
“Mumunti kong mga ANAK, muli akong naghihirap tulad ng sa panganganak hanggang si Cristo ay mahubog sa inyo.” Mga Taga-Galacia 4:19
Malinaw sa sitas na iyan kapatid na inaangkin ni Apostol Pablo na kanyang mga anak sa pananampalataya ang mga unang kristiyano sa iglesia ng Galacia. Kung anak ang turing niya sa mga ito, ano naman ang tawag ng Mga Taga-Galacia sa kanya? Simpleng tanong lang iyan kapatid.
Purgatory o Limbo
– Sabagay itong limbo binawi na rin ng POPE sa ROMA sa panahon ni POpe benedict.
Hirap po kasi pabago bago ang katoliko ng mga aral. kaya halata na wala sa Bibliya ang mga aral.
FPERITO: Kapatid, matanong nga kita. Sino ba ang nagsabi sa iyo na ang limbo ay isang opisyal na doktrina ng Iglesia Katolika? Singko mo kapatid tamang eroplano kapag may nailabas kang opisyal na dokumento ng Iglesia Katolika na nagsasabing opisyal na doktrina ang Limbo.
Ngayong, kung hindi opisyal na doktrina ang ukol sa Limbo, malinaw na walang binago sa opisyal na aral ng Iglesia Katolika. At isa lang ang ibig sabihin nito. Na di mo nauunawaan ang tunay na doktrina naming mga katoliko.
Infant Baptism
“At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa’t nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila’y sinaway nila. Datapuwa’t pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka’t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.”[Lucas 18:15-16]
Mali po itong sitas na nilagay nyo hindi naman tungkol sa binyag ito. ito po ang tamang MGA sitas:
Matthew 3:16
Acts 8:38-39
Mark 16:16
Acts 8:36-37
Acts 2:38
FPERITO: Kapatid, ano ba ang bautismo? Basahin nga natin ang sitas na inilagay mo.
“Nang mabawtismuhan na si Jesus, kaagad siyang umahon mula sa tubig. Narito, ang mga langit ay nabuksan sa kaniya. Nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng isang kalapati at lumapag kay Jesus.” Mateo 3:16
“Iniutos niyang itigil ang karwahe. Sila ay kapwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang lalaki. Binawtismuhan siya ni Felipe. 39Nang umahon sila sa tubig, si Felipe ay inagaw ng Espiritu ng Panginoon. Hindi na siya nakita ng lalaking kapon. Gayunman, siya ay nagpatuloy sa kaniyang paglalakbay na nagagalak.” Mga Gawa 8:38-39
“Ang sinumang sumampalataya at mabawtismuhan ay maliligtas. Ang sinumang hindi sumampalataya ay hahatulan.” Marcos 16:16
“Sinabi ni Pedro sa kanila: Magsisi kayo at magpabawtismo sa pangalan ni Jesucristo patungkol sa pagpapatawad ng inyong mga kasalanan. At tatanggapin ninyo ang kaloob na Banal na Espiritu.” Mga Gawa 2:38
Kapatid, asan sa mga sitas na iyan ang nagsasabing mali ang “infant baptism”? Wala akong makita ni isa man sa mga iyan. Ngayon, etong sitas naman na ito ang basahin mo para maunawaan mo ang ibig sabihin ng bautismo.
“Kaya ang mga tumanggap ng kaniyang salita na may kasiyahan ay nabawtismuhan. At sa araw na iyon, nadagdag sa kanila ang may tatlong libong kaluluwa.” Mga Gawa 2:40
Samakatuwid pala ay maaari kang mabautismuhan sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng salita ng Diyos!
Eto pa ang isang sitas kapatid para lubos mong maunawaan na ang bautismo ay walang pinipiling edad. Basa!
“Sila ay kinuha niya sa oras ding iyon ng gabi. Hinugasan ang kanilang mga sugat. Kaagad ay binawtismuhan siya at ang buo niyang sambahayan.” Mga Gawa 16:15
Malinaw kapatid na ang buong sambahayan ng punong bantay ng bilangguan sa Mga Gawa 16 ay binautismuhan. Ngayon kapatid, sabihin mo sa akin, may binabanggit ba sa sitas na iyan na di binautismuhan ang mga batang bahagi ng sambahayan ng punong-bantay?
Pasensya na po kung hindi nasagot ni Bro. Eli ang tanong nyo. BUSY kasi cya sa kanyang trabaho sa labas ng bansa. marahil wala na rin syang panahon magbasa ng blogsite.
DALO NALANG PO KAYO SA AMING MGA BIBLE EXPOSITIONS AT MAS MAGANDA KUNG ITANONG NYO SA KANYA NG PERSONNAL THROUGH SATELITE / INTERNET. DI BA HIGH TECH!!
FPERITO: Kapatid, wag na tayong magpaligoy-ligoy. Binalikan ko ang blog na iyon at kataka-takang nawala ang tanong na ipinoste ko para kay Kapatid na Eliseo. Simpleng tanong lang na alam kong di ninyo kayang pasinungalingan. Dahil kung kaya ninyo, bakit di ninyo iposte dito ang inyong sagot?
Kapatid na fperito,
Isa pang kasinungalingan na itinuturo ng mga Protestante, INC, ADD at iba pa ay ang sinasabi nilang natalikod daw ang Unang Iglesya. Kung totoo man na talagang natalikod nga ang Unang Iglesya, lalabas na nagsinungaling ang Panginoong Jesu-Cristo nang sabihin Niyang “Hindi mananaig sa kanya ang mga Pintuan ng Kamatayan”, “Ako ay kasama ninyo hanggang sa wakas ng panahon” at “sila ay hindi maaagaw sa Aking mga kamay”.Gayun din naman, lalabas na iniwan ng Espiritu Santo ang Unang Iglesya na naunang ipinagkaloob sa mga apostoles.At kung nanatili man subalit natalikod ang Iglesya, lalabas na ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng kasinungalingan.Labag ito sa turo ng Bibliya na ang Espiritu Santo ay ang espiritu ng katotohanan.
Hindi ba’t malaking pamumusong at paglapastangan sa Espiritu Santo at Panginoong Jesus ang ituro na ang Iglesya ay natalikod?
partikular s mga imahe, di natin maikakailang masyadong deboto s mga imahe ang simbahang katoliko. dati akong katoliko at yun ang nakikita kong paniniwala…. iniiyakan, niluluhuran, pinupunasan, pinababanguhan, hinahalikan ang mga imahe n walang kakayahang magsalita at gumalaw at tao lang ang gumawa. dapat ituro niyo yan sa simbahan. yan kasi ang kakulangan niyo bilang Kristyano nga na kini-claim niyo. Thanks!
Kapatid na Grace,
Napansin ko lang sa iyong komento ang mga katagang “yun ang nakikita kong paniniwala”. Tandaan mo kapatid, di lahat ng nakikita mo at pakahulugan mo ay ang siya ngang opisyal na aral at doktrina ng Iglesia Katolika. Nasubukan mo na bang magtanong sa pari ukol diyan? Pihadong magugulat ka sa magiging tugon sa iyo ng mga pari.
Matanong kita kapatid, bakit Grace ang nakalagda sa komento mo samantalang Arthur Dulay ang gamit mong Yahoo account?
God bless!
Tanong ko lang kapatid na fperito kung talagang sabi mo na kayo ang Iglesiang itinatag ni Jesus 2000 years ago e bakit po karamihan sa Doktrina nyo gawa gawa ng tao at kontra sa mga aral sa Bibliya.
Gaya po sa pag gawa at pagsamba sa mga imahe. May mga verses po sa luma at bagong tipan na maliwanag na against sa idolatry. Pero bakit po ginagawa ng katoliko?? Naitanong ko na ito sa PARI sa lugar ko before pero ang sagot is that representation daw. Representation?? Pero wala naman akong nakita sa bibliya na inutos ng panginoong gumawa ng representation nya in a form of wood or stone image.
At isa pa po sabi nung PARI wala daw ganung turo e kaso po sa araw ng pagsimba or maging sa procession kitang kita po na nagdadasal, nagpapahid ng panyo sa mga imahe. Bakit hindi po consistent ang aral ng Catholic??
Kapatid na CatholicNoMore,
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa iyo dahil sa patuloy mong pagsusuri sa Iglesia Katolika bagamat napasaibang landas ka na. Patunay ito na di mo pa lubos na natatanggap sa iyong puso kung anuman ang mga kamaliang ibinibintang ng inyong samahan sa amin.
Para sagutin ang iyong katanungan Kapatid, nagtanong ka na sa pari at binigyan ka ng tamang sagot. Representation. Tama ang sinabing iyan ng pari. Ang sabi mo, wala sa biblia na nagsasabing iniutos ng Panginoon ang paggawa ng “representation” Niya “in a form of wood or stone image”. Ang tanong ko kapatid, mayroon ba sa biblia na NAGBABAWAL sa paggawa ng “representation” ng Diyos “in any form”? Matanong kita Kapatid, sa inyong simbahan, wala ka bang nakikitang libro o komiks na may mga “drawing” na representasyon ni Kristo? O ang mga simbahan ninyo ba ay wala ni isang Krus na siya mismong representasyon ng kaligtasang dulot ni Kristo? Kung talagang naniniwala kayong bawal ang “representations” ng Diyos, eh di malinaw na paglabag din ang paggamit ng Biblia? Bakit? Kasi ang Biblia ay representasyon mismo ng Diyos!
Kapatid, ang ipinagbabawal ay ang pagsamba sa mga representasyong ito bilang Diyos (II Mga Hari 18:4). Samakatuwid, kung ang representasyong ito ay di mo sasambihin bilang diyos, walang masama at hindi ito ipinagbabawal ng Diyos at ng Biblia.
God bless kapatid.
FPerito
Bakit maraming pinatay na tao ang Iglesia katolika nung panahon ng so called Holy Inquisition at nung Crusade. Di ba si Christ at ang mga apostol nya never gumamit ng dahas para pwersahin ang ibang maniwala sa kanila.
So pano nyo nasabi na kayo ang Iglesiang itinayo ni Christ?? Were in fact may turo si Christ na mahalin ang kaaway at wag magtanggi ng mga tao. Pero bakit ang mga katoliko nagtatanggi ng kapwa at galit sa mga taong hindi nila kapanalig.
Kapatid na CatholicNoMore,
Una kapatid, matagal ng inamin ng Iglesia Katolika na nagkaroon ng mga pagkakamali sa pagpapatupad ng kaparusahan nung panahon ng Inquisition. Pero ang tanong, ang kamalian bang ginawa ng iilang naunang puno ng Iglesia ay nangangahulugan na ng pagiging mali ng doktrina sa kabuuan?
Sa simpleng analogy kapatid, mayroong isang guro ng aritmetika na nagtuturo na ang 1+1=3. Malinaw na mali ang turo ng gurong ito. Pero maaari mo rin bang sabihin na mali ang paksang aritmetika sa kabuuan? Malinaw na Hindi. Sapagkat ang pagkakamali ng nagpapatupad ng aral ay di mo maaaring isisi sa mismong Aral. Samakatuwid baga, ang pagkakamali ng mga nagpatupad ng Inquisition ay di mo maaaring isisi sa mismong aral ng Inquisition ayon sa biblia (Deuteronomy 17:2–5 ). Sapagkat ang proseso ng Inquisition ay aral mismo ng biblia.
Sa ikalawa mong tanong kapatid, “Pero bakit ang mga katoliko nagtatanggi ng kapwa at galit sa mga taong hindi nila kapanalig”. Matanong nga kita kapatid, ang ginagawa mo ba o ng iyong simbahan ay hindi panghuhusga at pagkagalit sa amin na di ninyo kapanalig?
At nais ko lang ituwid kapatid, hindi kami galit sa mga taong hindi namin kapanalig. Bagkus, inaanyayahan namin ang mga napaibang landas na muling magsuri at bumalik sa kalinga ng Iglesia Katolika. Ngunit bilang mga tagapangalaga ng tunay na aral ng Diyos, tungkulin naming ipagtanggol ang aral ng aming Iglesia laban sa mga taong pilit na sumisira dito.
God bless!
FPerito
lahat ng mga sinasabi ni jayson ng iglesya ng dios ay maayos na sinagot ni bro nonoy lopez sa kanyang aklat. mga lumang batikos na yun. lahat ng nagtatanggol sa aral ng katoliko ay dapat magkaron ng kopya ng kanyang aklat para pag nagpalitan ng texto di mukang kawawa. nasa national bookstore aklat nya, ARALING PAMBIBLIA PARA SA MGA DINEDEBATENG KATOLIKO.
Salamat po Bro. Paul maganda talaga ang aklat ni Bro. Nonoy Lopez nakabili ako sa Greenhills. Lahat ng pagdududa ko ay naliwanagan ko sa aklat niya. Thanks po.
Natural lang naman na batikusin ng mga hindi nakakaunawa ang Inquisition. Pero para magkalinawan, para saan nga ba ito?
mula sa:http://www.geocities.com/paulusgamaliel/kutsero.html
Siguro ang Inquisisyon na mismo ang parte ng kasaysayan na ilinarawang maling-mali ng maraming historyan. Ito’y pinasama at pinapangit, hindi ng katotohanan, kundi ng mga kwento-kwentong mga anti-katolik. Ngunit kung pag-aaralan maigi ang kasaysayan nito, malamang maraming sekta at denominasyon ngayon, maging ang buong mundo, ay magpapasalamat na ito’y naitatag. Bagaman hindi natin itinatanggi at sinasang-ayunan ang ilan sa mga kalabisang naganap dito, mas mainam pa rin ating linawin ang lahat. Ang Inquisisyon po’y itinatag upang mapangalagaan ng mga bansang kristiyano ang kanilang mga sarili laban sa banta ng Islam, mga Hudyo, at mga erehe na nagbabantang sumira sa kaayusan ng mga bayang ito. Ito’y hukumang ekklesiastikal na ang layunin ay litisin ang mga pinararatangan at linisin ang pangalan ng mga inocente. Ayon mismo sa mga nag-aaral ngayon ng kasaysayan ng Inquisisyon, maraming mga taong nasasakdal ang humuling na ilipat ang kanilang mga kaso mula sa mga temporal na ang hukuman tungo sa mga ekklesiastikal na mga hukumang ito dahil sa mabuting kredibilidad nito. Yaong sinasabi ng mga anti-katolik na mahigit isang milyon di umano ang napatay sa ilalim ng Inquisisyon ay isang pagmamalabis sa kasaysayan at halata namang ito’y ipinakakalat lamang ng mga galit sa Iglesia. Eh kung totoo nga ito di dapat sinasabi ngayon ng kasaysayan na hindi ang Black Plague ang mas maraming napatay kundi ang Inquisisyon.
kapatid na Fperito
nasa bansang saudi arabia ako wala namang simbahan dito,marami dito mga born again.tama ba na tangihan ko sila sa paanyaya nila,kasi katoliko ako.sabi nila dapat daw na ipanganak ka uli.sana bigyan nyo ko ng magandang dahilan para maipaliwanag ko sa kanila na ayos na ako sa katoliko.
nakikita ba sa internet ung aklat ni Bro.Nonoy Lopez gusto ko rin sanang mabasa para madagdagan ang kaalaman ko.
wala kasi dito nun bawal kasi.
God bless
kapatid na brando brazil,
tama ka na tumanggi sa kanilang paanyaya upang magpabautismo sa kanilang samahan….una, dahil sa mali ang saligan ng kanilang mga aral, at ikalawa, ang Iglesia Katolika ang tunay na Iglesiang tatag ng Panginoong HesuKristo….
mahirap salagin ang mga katulad nila sa tagisan ng diskusyon maliban na lang kung ikaw ay nag-aral ukol sa mga doktrina ng iba’t ibang relihiyon….kaya’t ang pinakamagandang magagawa mo ay sabihin mong salamat pero dinala ka na ng Panginoong Hesus sa tamang Iglesia…..
maraming magandang reperensyan na maaari mong mabasa sa pamamagitan ng internet….andyan ang http://pinoykatoliko.blogspot.com na naglalaman ng maraming mga kaalaman ukol sa ating doktrina…..andyan ang website ni Robert Sungenis na isa sa mga kinikilalang batikang apologist ng Iglesia Katolika…ang website niya ay ang http://www.catholicintl.com na punung puno ng mga komentaryo ukol sa kanyang mga diskusyon laban sa mga naninira sa ating doktrina…..at higit sa lahat, patuloy kang magdasal kapatid sa Panginoong Diyos upang pagkalooban ka ng tatag at talino sa iyong patuloy na pagsusuri….
God bless!
kapatid na Fperito,
magandang hapon po inyo, ako po ay isa ring romano katoliko na nagsusuri ukol sa ating relihiyon, at nalalaman ko po na ang romano katoloko talaga ang simbahang intinatag ni Cristo,. ako po ay my kasintahan na kabilang sa INC, at sa malaking pagkakamali, nagkaron po ng bunga ang aming pagmamahaln, ang problema po ay, gusto ng kanyang mga magulang na maconvert ako ng relihiyon, iyan po naman ay aking tinutulan, and sooner or later pakikipagdebate po ako sa kanilang ministro, anu po ba ang dapat kung gawin? pakisagot po,
maraming salamat po,
ang inyong kapatid sa Iglesia Katolika,
sadmaleangel
Una kapatid, walang pagkakamali sa pagmamahal….ang magiging malaking pagkakamali ay kung pababayaan mong mawala ang bunga ng pagmamahal na iyan…
sa palagay ko kapatid ay wala ako sa tamang posisyon para magbigay ng payo sa sitwasyon mo….ang maipapayo ko ay mainam na kumunsulta ka sa isang Pari sa inyong parokya upang mabigyan ka ng nararapat na suhestiyon….hindi madali ang makipagdebate sa ministro ng INC laluna’t batid nating lahat ang kanilang potensyal na gumamit ng dahas kapag nadadaig na sa diskusyon…..
at huling paalala kapatid, magdasal ka at humingi ng gabay sa Panginoon nating Diyos….tiyak na di ka magkakamali…
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
JfPerito,
Hey bro!gud Am!masyado ako nawili sa blog mo.and kasama mo ako sa mag tataguyod ng adhikain mo.but let me ask some question of mine regarding this matter.Bakit kailangan ang mga Madre ay mag lingkod ng matagal na panahon sa loob ng kumbento?sa palagay mo?kaya mo bang ipaliwanag.tnx!
Salamat
Josefa ng Gabriela,
Kapatid na Josefa,
Para sagutin ang iyong katanungan, nais kong balikan natin ang nasusulat sa Mga Taga-Corinto 7:34….
“Magkaiba ang babaeng may asawa at ang babaeng walang asawa. Ang babaeng walang asawa ay nagsusumikap sa mga bagay para sa Panginoon upang siya ay maging banal, kapwa ang kaniyang katawan at ang kaniyang espiritu. Ngunit ang babaeng may asawa ay nagsusumikap sa mga bagay ng sanlibutang ito kung papaano niya mabibigyang lugod ang kaniyang asawa. ”
Samakatuwid kapatid, ayon sa tagubilin ni Apostol Pablo ay maaaring manatiling walang asawa ang isang babae upang lubusan niyang mapaglingkuran ang Diyos.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon Kapatid!
jfperito,
Magandang gabi sayo kapatid na Perito,sumasang ayon ako sa iyong paliwanag pero me katanungan uli ako sana ay masagot mo,Kasalanan ba ang mag karon ng karelasyon ng kapwa mo ng sexualidad.kasalanan ba ito sana ay maipaliwanag mo ito ng mabuti at naayon sa kasulatan.magandang gabi.pag butihan mo ang pag sagot upang matuwa ako .
Salamat,
Josefa gabriela
Kapatid na Josefa,
Una, akala ko nagkamali lang ako ng basa sa una mong komento pero talaga palang jfperito ang inilagay mo. Di ako si jfperito. FPerito ang tama kong bansag at sana’y huwag mo itong baguhin.
Ikalawa, ang pagsagot ko sa mga komento dito sa blog ko ay diretso at walang pagkiling ke matuwa ka o hindi. Dahil ang mga kasagutang ibinibigay ko ay iyong naaayon sa nasusulat at sa aral ng Iglesia Katolika.
At para sa iyong tanong, kasalanan nga ba ang pagkakaroon ng relasyon sa kauri mo ng sekswalidad(same sex relationship/marriage)? Aralin nga natin.
Ganito ang sinasabi sa Ebanghelyo ayon kay Mateo Basa….
“Sumagot siya sa kanila: Hindi ba ninyo nabasa na siya na lumalang sa kanila sa pasimula pa ay nilalang sila na lalaki at babae?” Mateo 19:4
Malinaw Kapatid na Josefa na sa pasimula ay dalawa ang nilalang ng Diyos, ang lalaki at ang babae. At ito ang magtatakda sa nararapat na maging relasyong ng lalaki at babae sa paglaon. Ipagpatuloy natin ang pagbasa.
“Sinabi pa niya: Dahil dito, iiwanan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikisama sa kaniyang asawa. Silang dalawa ay magiging isang laman. Kung gayon, hindi na sila dalawa kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Mateo 19:5-6
Samakatuwid kapatid, ang terminong asawa ay inilalaan lamang ng lalaki para sa babae at ng babae para sa lalaki. Iyan ang nasusulat at di natin maaaring pasubalian. Iyan ang dikta ng kalikasan na di natin maaring baliin.
Ngayon, kasalanan ba kung ang magiging relasyong sekswal ay liko sa itinakda ng kalikasan ayon sa nasusulat? Ang sagot ay OO at ito ay inaayunan ng Biblia. Basa.
“Ang mga hindi matuwid ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos. Hindi ba ninyo alam iyan? Huwag kayong magpadaya. Ang mga nakikiapid, ang mga sumasamba sa diyos-diyosan, ang mga mangangalunya, ang mga bakla, ang mga gumagamit sa kapwa lalaki ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos. Maging ang mga magnanakaw, ang mga mapag-imbot, ang mga manginginom ng alak, ang mga mapanirang puri, ang mga sakim ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.” 1 Corinto 6:9-10
Napakalinaw sa talata sa itaas ang pagbabawal sa relasyong “homosexual”. Maari mong sabihin na ang nababasa sa talata ay patungkol kamang sa lalaki at kapwa lalaki pero pakatandaan natin kapatid na ang Diyos ay makatarungan kung kaya’t tama lang na sabihing ang pagbabawal ng relasyong lalaki at lalaki ay isang direktang pagbabawal din sa relasyong babae at babae.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon Kapatid!
ayos yan kapatid marami kasi sa ating mga katoliko ang hindi nakaintindi kaya umaalis at pumapasok sa ibang sekta kaya marami silang katanungan na hindi masagot sa kanilang sekta unag una ni labag na nila ang utos ng kanilang mga magulang dahil ang ika apat na utos ng DIYOS ay igalang mo ang iyong magulang doon palang sinuway na nila kaya marami silang katanungan pagpatuloy mo yan kapatid para maintindihan ng mga kapatid natin na humiwalay sa ating sibahan
ano ang ibig sabihin ng relihiyon? ano ang tamang relihiyon?
Kapatid na Vergel,
pakibasa ang isang napakagandang pagtalakay ukol sa katanungan mo sa pahina ng Catholic.com sa link na ito
http://www.catholic.com/thisrock/1995/9501clas.asp
Pagpalain ka nawa ng Diyos!
Its a blessing for us na may nagtatanggol sa ‘ting pananampalatayang katoliko na tulad mo. Saludo ako sa iyo.
Hope na lalo mo pang mapaliwanagan ang mga kapatid nating naliligaw ng landas, na sa palagay nila na sila ang tama.
fperito,
I am one with you in protecting and defending the TRUTH passed to us by CHRIST.
Please don’t stop in answering those query apologetically and based on TRUE FUNDAMENTAL TRUTHS and Treasures of the Catholic Church.
Thank you. God bless you endeavors.
ako ay may katanungan saang talata sa biblia mababasa niyo na ang IKAR ay siyang iglesiang itinayo ni cristo at kung may mabasa kayo IKAR aalis ako sa relihiyon ko…?????
kapatid na angel cruz,
kung pakababasahin mo ang uunawain ng wasto ang biblia, malalaman mo na ang unang simbahan ng mga Kristiyano ay kinapapalooban ng mga sumusunod:
Iglesia sa Herusalem
Iglesia sa Antioch
Iglesia sa Roma
Iglesia sa Galacia
Iglesia sa Tessalonika
Iglesia sa Corinto
Iglesia sa Efeso
Iglesia sa Colosa
Iglesia sa Filipos
Sa mga iglesiang nabanggit sa itaas na matatagpuan mo sa biblia, tanging ang Iglesia sa Roma ang natitira hanggang sa kasalukuyan.
Pagpalain ka nawa ng Diyos.
ang sabi niyo aral mismo ng biblia ang inquisition na ginamit ng IKAR par parusahan ang hindi sumunod sa kanilang mga alituntunin at doktrina ang tawag nga roon ay erehiya at erehe naman ang mga lumabag..tama ba? ginamit niyo ang nakasulat sa Deut.17:1-5 naunawaan niyo po ba nakasulat doon???????????????
kapatid na Angel Cruz,
ikaw ang nais kong tanungin…nauunawaan mo ba ang nilalaman ng Deuteronomio 17:1-5? kung nauunawaan mo ang talatang iyon, maaari mo bang ipaliwanag sa amin ang iyong pagkakaunawa?
salamat.
napaka-ganda namang basahin ng mga blog comment nyo, hehe…sana may mga katanungan din tungkol sa “eternal life”…tnx 🙂
kapatid na reubert,
maaari mong ipaskil dito kung ano ang katanungan mo…sisikapin nating bigyang linaw sa abot ng ating makakaya…
pagpalain ka nawa ng Maykapal.
gusto ko po sanang itama ung maling paniniwala ng mga kaibigan kong INC! gusto nila na itanung ko nalang daw sa ministro nila para malinawan daw po ako! ano po ba dapat ang tama kung gawin para mapaniwala ko na mali ung turo ng ministro nila na nililigaw lang sila nito! gusto ko po sanang tulungan sila mula sa kadiliman nayun!
Kapatid na Balanar,
Maari mo silang anyayahang makipag-usap sa inyong lokal na parokya kung saan maaari mo silang ipakausap sa inyong kura paroko. Mas makabubuting isang pari ang makipagtalastasan sa kanila sapagkat mas may kakayahan silang ipaliwanag ang doktrina ng Katoliko Romana at kung paanong ito ang tamang aral na maaaring maghatid sa atin sa kaligtasan.
salamat po sa Diyos at na search ko ang iyong blog, naragdagan po ang aking kaalaman tungkol sa ating Catholic Faith. Pwedi po bang mag ask ng favor..kung may extra book po kayo ni Bro.Nonoy Lopez pwedi po bang bigyan po akko ng copy at magpapadala nalang po ako ng pera kung magkano at ipadala nalang po sa LBC. kailangan po namin ito sa aming bible study. Maraming salamat po at nawa’y lalo po kayong gamitin ni Lord. Shalom!
hindi dapat masyadong gawing basehan ang bibliya dahil matgal nang panahon ang mga pangyayaring iyon. pasalit salit na itong nagdaraan sa mga siglo kayat maaring nadagdagan na ito o nabawasan. hindi mhlaga kung ano ang relihiyon mo o kung panu ka manampalataya sa diyos . ang mahalga ay sinasapuso mo ang iyong mga dasal at ginagawa mo sa mabuting paraan.;)
ako po ay isang katoliko romano,marami akong natutunan sa blog nyo.at dhil po s mga comment nyo may mga idea po n nbuo s isip ko n pwde ko po ibahagi s asawa ko.isa po kasi syang member ng The Church of Jesus Christ of Latter day Saints.at hndi po xa nniniwala s turo ng iglesya katolika.maraming slmat s blog nyo.
Masaya aq at may ganito ring blog. Ganito rin ang trabaho q FPerito. Sana ay makasaot din aq sa mga tanong dito.
anong verse po nakasaad sa bibliya na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki lamang,..sana po ay matanggap ko ang sagot sa madaling panahon..salamat po
“At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa’t ganid sa parang; datapuwa’t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya. At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya’y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito’y dinala niya sa lalake.
At sinabi ng lalake, Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya’y tatawaging Babae, sapagka’t sa Lalake siya kinuha.
Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila’y magiging isang laman.” Genesis 2:18-24 Ang Dating Biblia
Napakalinaw Kapatid na ang babae ay nilikha ng Diyos upang maging katuwang ng lalake at sila ay itinakdang magkapisan bilang isang laman.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon Kapatid.
sana po maglunsad po kayo ng malaking pamamahayag ng salita ng diyos bilang mga katoliko para hindi tayo nilalait ng ibang relihiyon dito sa pilipinas at sa ibang bansa@@@@
isa lang sagot sa tanong mo brod, himukin nyo ang lahat nang catholic na magkaroon nang bible study at di pipiliin kung ano lang ang pag aaralan. kesa importanteng lahat nang nasa sulat e natatalakay kung hindi maliligaw kayo. kasi kapag laban sa paniniwala nang catholic e di na binabanggit sa simbahan. mag basa ka muna bago ka sumaang ayon. mga turong catholic lang nagsasabing ang bible ay matalinghaga upang wag nang basahin o suriin nang mga ka member nla. kung tutuusin halos lahat nang parable verse e may sagot sa bible. 🙂
Kapatid na Chard,
Kung talagang naninindigan ka sa mga kritisismo mo sa mga aral ng Iglesia, bakit di mo tindigan ang iyong mga argumento sa isang pormal na debate sa Weblog na ito?
Kaibigang Chard,
Sa lahat ng sekta sa buong mundo, ang Iglesia Katolika lamang ang hindi nagbabawal sa Kaniyang mga miyembro na magbasa ng Biblia. Kahit na sino pwedeng basahin ang kahit na anong pahina, ebanghelyo, aklat o sitas ng Biblia. Ngunit, itinatagubilin rin ng simbahan na kinakailangang magsaliksik ng sinomang nagnanais na maunawaan ng tama ang Biblia upang hindi sila mangaligaw.
Tatanungin kita Chard, sinasabi ba ng Biblia na “Biblia LAMANG ang dapat na maging basehan ng ating PANANAMPALATAYA?”
Salamat po sa napakamakabuluhang blog na to. Sana po matulungan nyo ako buksan ang isip at puso ng mga kabataang walang alam sa pag-ibig ng Diyos. Ako po ay isang devout Catholic at lubhang nalulungkot ako na sa parokya namin walang turo sa cathechism sa mga kabataan. Pls pray for me to, nahihikayat ako bumuo ng samahan upang magpalaganap ng Doctrinang Katoliko. More Power po. To God be the glory.
Maraming salamt p s mga naicomment nio png sgot marame p akong natu2nan. Marme p akng nbasa kh8 inaantok ako binabsa ko po tnx po
fperito,
Magandang araw po sa inyo, isa rin po akong miyembro ng katoliko, May tanong lang po ako. Bakit po tinawag na romano katoliko ang ating relihiyon gayong nd nman po tau mga romano?
Mabigyan niyo po sana ako ngangkop na sagot.
Kapatid na RJ Alejandrino,
Ang Iglesia Romana Katolika ay ang natatanging Iglesia na natira mula sa mga unang pamayanan ng mga Kristiyano na mababasa mo sa Biblia. Kabilang sa mga unang pamayanang ito ay ang Iglesia sa Efeso, sa Korinto, sa Galacia, etc. Si Pedro na siyang itinuturing na unang Santo Papa ay naglakbay papunta ng Roma at namuno sa Iglesia sa Roma hanggang sa kanyang pagka-martir.
Salamat at pagpalain ka nawa ng Maykapal.
Kapatid na Rusty,
Malinaw ang isinasaad sa Biblia. Ang mga rebulto o imahe ay masama kung sasambahin mo siya bilang diyos-diyosan.
Salamat at pagpalain ka nawa ng Maykapal.
di ba ang pag luhod ay pagsamba? eh bakit niluluhuran ng catholic ang mga rebulto? at di ba pinaalala na ng dios ang tungkol sa mga rebulto? bakit di nalang kayo sumunod imbes na pangatwiranan ito?dios na ang nag babala pero di nyo pinakikinggan..ang totoong kawan ng dios pag may nakita mali sa kanyang pananampalataya inihihingi nya ng tawad sa dios ito at itinatama…may dahilan kung bakit sinabi ng dios ang turo tungkol sa mga imahe kaya sana imbis na ipangatwiran ung mga sinasabi ng katoliko ay sundin nalang nila ang sabi ng dios..mas marunong pa ba ang mga pari keysa sa dios?
Kaibigang Laring,
Kung ang lahat ng pagluhod at ituturing mong pagsamba, ano kaya ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na sitas?
“At lahat ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari, ay nagsiyukod at nagsigalang kay Aman; sapagka’t iniutos na gayon ng hari tungkol sa kaniya. Nguni’t si Mardocheo ay hindi yumukod, o gumalang man sa kaniya.” Esther 3:2 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“At siya’y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon at isinisigaw sa unahan niya. Lumuhod kayo: at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto.” Genesis 41:43 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Nais mo bang sabihin sa amin na ang pagluhod o pagyukod na binabanggit sa dalawang sitas sa itaas ay pagsamba bilang Diyos sa mga tinutukoy na tao?
maraming salamat po sa inyong pagtugon sa aking katanungan
sir good pm po ask ko lang po mga verses sa bible about the trinity, im a devoted catholic though di po ako matandain sa mga verses. and para may maipagtanggol ko rin nman ang religion ko sa mga mapagmarunong
Irerekomenda kong bisitahin mo ang http://forums.catholic.com upang mas lalong lumalim ang kaalaman mo sa Santisima Trinidad.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
God bless po pala!
kung nagdarasal ang mga katoliko kay Birhen Maria bilang tagapamagitan kay Hesus(peace be upon him), maaari rin po ba na manalangin sa Diyos(ang lumikha ng lahat ng bagay na nakikita at hindi nakikita)? kung pwde po ito, eh para san pa po ang tagapamagitan?, at kung hindi naman pwde, bakit? thanks
Ang papel ng Birheng Maria sa buhay ng Panginoong Hesus ay di maaaring tawaran ng sinoman. Hindi nga ba’t ang unang himalang ipinamalas ng ating Panginoong Hesus sa kasalan sa Canaan ay isang patunay na bagamat hindi pa napapanahon ay buong pusong pinagbigyan ng Panginoong Hesus ang kahilingan ng Kanyang Ina?
npka dami ko pong nlman s blog n ito.slmat po at nnjan kau pra s ilang mga ktnungan. 🙂
Salamat ho at nkkita q ng site n sumag0t s mga tan0ng q,
TotongB
Paano po tayo nakakasiguro na yon talaga ang imahe ng Kristo? Ang sabi nyo po na ang imahe ay ang representasyon ni Kristo, na katulad ng mahal natin sa buhay na kung sila ay malayo sa atin ang kanilang imahe ang ating tinitingnan at hinahalikan…di ba tama lang naman yon na halikan natin ang imahe sa litrato ng ating kamag-anak dahil nakakasiguro tayo na siya talaga yon..pero sa imahe na tinatawag natin na Kristo ay paano tayo nakakasiguro na siya talaga iyon sa kabila na walang duda na sa kanya naman talaga nauukol ang ating mga panalangin. Nakasulat po ba sa Banal na libro na sinabi ni Kristo na may imahe na mag rerepresenta sa akin?
At bakit po ba hindi sinusunod ng mga kapatid natin na kababaihan ang manamit ng tama na naayon sa Bibliya kung sila ay pumapasok sa simbahan at bakit pinapahintulutan ito ng mga namamahala…pasensya na po sa mga tanong..
God Bless
Kapatid,
Malinaw na sinasabi sa biblia ang mga sitas na ito:
“Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: Sapagka’t ako’y nagutom, at ako’y inyong pinakain; ako’y nauhaw, at ako’y inyong pinainom; ako’y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; 36Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako’y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako’y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. Kung magkagayo’y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka? At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.” Mateo 25:35-40 Ang Dating Biblia (1905)
Samakatuwid Kapatid, ang bawat isa sa atin ay maaaring maging kalarawan ng ating Panginoon. Kung kaya’t hindi mahalaga kung tunay nga ba o hindi ang mga imaheng ginagawang kawangis ng Panginoon sa loob ng mga Simbahan. Isa pa kapatid, sinabi ng Ebanghelyo ayon kay San Lukas na “nakikilala ng Dios ang ating mga puso” kung kaya’t nakasisiguro tayong batid ng Diyos ang tunay na intensyon ng ating mga pananalangin bagamat gumagamit tayo ng mga representasyon ng Diyos sa ating mga bahay-dalanginan.
Ukol naman sa pananamit ng mga kababaihan, hindi naman dapat maging basehan ang panglabas na kasuotan sa pananampalataya. Hindi natin maaaring gamitin ang moda ng pananamit nung panahon ng mga unang Kristiyano sapagkat ang kultura at moda ay nagbabago. Ang higit na mahalaga ay kung ang mga kababaihan bang ito ay tunay na mga mananampalataya ng Diyos.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
isa po akong katoliko at akoy denidebate ng isang Christians,tanung nya sakin, meron bang madre sa bibliya!
Meron kapatid. Basahin mo ang mga sitas na ito:
“Datapuwa’t ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon: Nguni’t ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa, At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya’y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni’t ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa. At ito’y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo’y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala.” 1 Mga Taga-Corinto 7:32-35 Ang Dating Biblia (1905)
Kapatid na Chard,
Kung talagang naninindigan ka sa mga kritisismo mo sa mga aral ng Iglesia, bakit di mo tindigan ang iyong mga argumento sa isang pormal na debate sa Weblog na ito?
Sabihin mo lang ang iyong pag-ayon sa aking hamon ng debate at iaayos natin ang panuntunan.
Catholicism says that divine worship is for God only, yet it also says it is okay to bow down before a statue of Mary, pray to Mary, believe that Mary delivers us from death, believe Mary atoned for us, etc., as long as you don’t give her “divine worship.” In other words, you can do almost anything worship-wise to Mary as you would to God, just don’t call it “divine worship.” This is an outright inconsistency with the Bible – and this only proves that the Catholic Church has very shallow doctrines and they are mostly based from their Sacred Tradition. No wonder her followers are easy targets of religious cults because they lack Bible knowledge, and of course, unregenerated! (Fundamentals of Catholic dogma, Ott, page 213; Vatican Website: Encyclical of Pope Leo 13th on the Rosary, Octobri Mense, Pope Leo 13th, 1903-1914; CCC 966 (Catechism of the Catholic Church)
“ito poh isang sinabi ng isang christians na nagtutuligsa sa simbahang katoliko”
Hi Jayson,
The Catholic Church, amongst all Christian denominations, is the only one that could claim full adherence to what the Bible is saying. For how could you call the same Church who compiled, canonized and interpreted for the modern-world the one we now call as The Bible of not knowing what it handed to the Christian world?
The only difference is that, we Catholics adhere to the equality of the Scriptures, the teaching seat of the Magisterium and the Holy Apostolic Oral traditions. Not one amongst all of the current denominations could lay claim to that.
To insist on the supremacy of the scriptures while disregarding the equal-importance of the Magisterium and the Holy Traditions is not only going against the Bible itself but also reeks of hypocrisy and ignorance. The Bible itself taught us how important to hold on to those “oral teachings” handed down to us by the Apostles and cautioned us about the folly of “self-interpretation” of the bible.
As with regards to the veneration of Mary, I don’t see anything wrong in imitating what the Angel Gabriel told Mary via the following verses:
” And the angel being come in, said unto her: Hail, full of grace, the Lord is with thee: blessed art thou among women. Who having heard, was troubled at his saying, and thought with herself what manner of salutation this should be. And the angel said to her: Fear not, Mary, for thou hast found grace with God.” Luke 1:28-30 Douay-Rheims Catholic Bible
If the Angel of God found it right to atoll Mary the highest praise possible, then why should we consider it wrong then?
Isn’t it that Elizabeth, after being filled by the Holy Spirit, spoke highly of Mary as well?
“And whence is this to me, that the mother of my Lord should come to me?” Luke 1:43 Douay-Rheims Catholic Bible
Thus, if both Elizabeth and the Angel of God offered Mary the proper respect that is due her, then why can’t we do the same?
After the Book of Acts (Acts 1:14), Mary, the mother of Jesus in the flesh, is no longer mentioned in the rest of the New Testament. The Apostles Paul, Peter, John and the other N.T. writers should have ascribed veneration of Jesus’ mother if she is really that important. I am sure Mary is weeping bitterly up in heaven because of this false teaching propagated by the RCC. “Wherefore God also hath highly exalted him, and given him a name which is above every name: That at the name of Jesus every knee should bow, of things in heaven, and things in earth, and things under the earth; And that every tongue should confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father. (Philippians 2:9-11) Sons and daughters of the Roman Catholic Church, wake up and turn to the One who is able to save your souls. (Acts 1:12) – “Neither is there salvation in any other: for there is none other name under heaven given among men, whereby we must be saved.” ….karugtong pa poh ng mga sinasabi nya !
Hi Jayson,
Limiting your references about the Apostle’s teachings to just the Bible doesn’t sound sensible. There were 11 original apostles, out of these 11, only 4 were attributed to have had authored books or epistles on the NT. What happened to the teachings of the other 7 then? That’s how flawed your argument is.
Now, let’s see what the Patristic Writings said about Mary:
“The Book [the Protoevangelium] of James [records] that the brethren of Jesus were sons of Joseph by a former wife, whom he married before Mary. Now those who say so wish to preserve the honor of Mary in virginity to the end, so that body of hers which was appointed to minister to the Word . . . might not know intercourse with a man after the Holy Spirit came into her and the power from on high overshadowed her. And I think it in harmony with reason that Jesus was the firstfruit among men of the purity which consists in [perpetual] chastity, and Mary was among women. For it were not pious to ascribe to any other than to her the firstfruit of virginity” (Origen’s Commentary on Matthew 2:17 [A.D. 248])
“Let those, therefore, who deny that the Son is by nature from the Father and proper to his essence deny also that he took true human flesh from the ever-virgin Mary” (Athanasius’ Discourses Against the Arians 2:70 [A.D. 360])
Maling mali ang Iglesia katolika apostolika romana. Una, ang pangalan palang ng iglesia niyo mali na kaagad. Saan mababasa sa bibliya ang pangalang iglesia katolika? Ayon sa bibliya dapat ang isang iglesia tinatawag sa pangalan ng Dios. Kahit basahin mo ang isang bibliya ng isang taon or more wala kang mababasa na Iglesia katolika. Ang tao walang karapatang magtayo ng sarili nilang iglesia kundi ang Dios lamang. Ang iglesia katolika nagtatag niyan mga obispo. Kapatid, magsuri ka kasi marami kayong inililigaw na mga kaluluwa. Ako, hindi mo ko maililigaw sa maling aral ninyo. Basahin mo yung catholic encyclopedia marami kasi mga pope na notorious and nasa history yan ng iglesia ninyo. At isa pa, binyag, kasal, kumpil may bayad. Saan mo mababasa ang mga ito sa bibliya. Sabi sa bibliya, ibinigay ang evanghelyo walang bayad ibigay ninyong walang bayad. Anomang samahan na pangrelihiyon na nagpapabayad ay hindi sa Dios!!!!!
Kaibigang Simpleguy,
Kung sigurado ka sa lahat ng paratang mo sa Iglesia Katolika, hinahamon kita sa isang pormal na diskusyon sa weblog na ito. Ibigay mo ang buo mong pangalan, ang relihiyon na iyong kinaaaniban at magpalitan tayo ng argumento sa isang pormal na talakayan. Hahanap ako ng isang impartial na moderator at tinitiyak ko sa iyo na patutunayan ko sa iyo na walang katuturan ang mga paratang mo sa Iglesia Katolika.
Bilang pauna, sa lahat ng mga denominasyon ngayon sa buong mundo, anong Iglesia ang direktang pinangalanan sa Biblia bilang isa sa mga iglesiang sinulatan ni Apostol Pablo sa bagong tipan? At kung mayroon pa bang ibang iglesia na nananatili pa sa kasalukuyang panahon na masasabi nating direktang kinilala sa Biblia bilang isa sa mga unang iglesiang itinatag ng mga Apostol?
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
@fperito,
Isa lang naman ang iglesiang sinasabi sa bibliya at tiyak na hindi kayo yun.
I Timoteo 3:15 – Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at saligan ng katotohanan.
Ang papa ninyo sa Roma pababain ninyo padebate ninyo kay kapatid na Eli Soriano para malaman kabulaanan ng katoliko. Pag ang bulag ay umakay sa bulag ay kapwa sila mangahuhulog sa hukay.
Simpleguy,
Tama ka, isang Iglesia lamang ang itinatag ni Kristo ayon sa Biblia NGUNIT ang Iglesiang ito ay nangagsipagkalat sa iba’t ibang lugar. Kung ating pakalilimiing mabuti, ang Iglesia ng Diyos sa Roma ay isa sa mga naunang pamayanan ng mga sinaunang Kristiyano.
“Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo:. Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.” Mga Taga-Roma 1:6-7 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Napakalinaw na ang Iglesia ng Diyos sa Roma ay mga tinawag kay Jesucristo ayon na mismo kay Pablo. Ang tanong ko ngayon sa iyo “simpleguy” ay alin sa mga sekta ngayon ang malinaw na may koneksyon sa unang pamayanang Kristiyano?
Pakisagot lamang. Salamat.
sumagot ka @fperito at ipagtanggol mo pananampalataya mo. Sama mo yung puno ninyo sa simbahan. Siguro takot kay kapatid ni Eli Soriano. Mas maganda maraming makaalam ng debate sa television para magising sa katotohonan ang maraming katoliko. Walang kuwenta pag sa web blog lang. Wag kang magtago dito. Marami pa kayong ililigaw niyan. Malay mo pati ikaw magising din sa katotohanan na ang iglesia mo puro kabulaanan! lumayas ka na diyan habang may panahon pa. Lalong nasusuklam ang Dios sa mga pinagagawa ng mga katoliko ngayon. Pati yung Pedro Nalunod este Pedro Calungsod bagong santo ninyo bago na namang luluhuran. Dapat ang luluhuran Dios lang. Ang pasyon ng katoliko ganun ang sinasabi. Lumalabas parang wala kang alam sa iglesia mo!!
Kaibigang Simpleguy,
Lubhang katawa-tawa ang naging tugon mo sa hamon ko ng pormal na diskusyon. Una, hindi ako pari o obispo kung kaya’t nagtataka ako kung bakit kinakailangang si Bro. Eli ang ipantapat mo sa akin. Bakit? Wala ka bang tiwala sa kaalaman mo ukol sa iyong pananampalataya kung kaya’t NATATAKOT kang makipag-diskusyon sa isang ordinaryong Katoliko na tulad ko?
Ikalawa, kung tunay na tama ang mga aral ng sektang kinaaaniban mo, bakit TAKOT kang tanggapin ang hamon ko ng diskusyon? Iyan ba ay patunay na KAKATITING lang ang iyong kaalaman sa inyong mga doktrina?
Kung di mo kayang tindigan ang doktrina ng inyong iglesia, wala ka ring karapatang punahin ang doktrina ng iba. Marapat lamang na maisaulo mo ng tama ang inyong mga doktrina bago ka lumabas at mamuna ng doktrina ng iba.
Hayaan mo kaibiga, ipagdarasal ko na nawa’y matuto kang umunawa ng tamang doktrina ng pananampalataya.
wala kasi ako nabasa n kahit kailan tinawag si pedro na father peter s biblia..
Kaibigang Laring,
Tama. Pero ilang beses inaring “anak” ni Pablo ang mga unang Kristiyano.
“Dahil dito’y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo’y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa’t iglesia.” 1 Mga Taga-Corinto 4:17 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.” Kay Tito 1:4 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” 1 Corinthians 4:15 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Gayundin, tinawag ni Pedro na “anak” ang mga unang kristiyano.
“Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak.” 1 Pedro 5:13 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Samakatuwid, malinaw na inaari ng mga Apostol ang titulong “Ama” o “Father” ayon mismo sa Biblia.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal.
Kapatid mali ang aral katoliko..paliko ang aral jan.. Bakit dnyo harapin c Bro eli? Para malaman kung sino tlaga sumusunod sa Diyos.
Kaibigang Emz,
Lubha naman atang kakatwa ang inyong paulit-ulit na pagpipilit na harapin namin si Bro. Eli? Una, bakit kailangang ang iharap sa akin ay si Bro. Eli samantalang hindi naman ako pari, obispo or kardinal? Di ba’t marapat lamang na ang itapat ninyo sa akin sa isang pormal na diskusyon ay yung isang ordinaryong miyembro din lamang na tulad ko?
Nangangamba ba kayo na di sapat ang inyong nalalaman sa inyong doktrina kung kaya’t ayaw ninyong tanggapin ang hamon ko sa isang pormal na diskusyon sa weblog na ito?
Kapatid na FPerito,
Isang magandang araw po sau, salamat po sa site na ito at medyo nalinawan po ung mga kunting katanungan ko sa atin pong relihiyon na iglesia katolika. Marami po sana akong katanungan pero isa-isahan ko po,una tanong ko lng po, may nakilala po akong isang kenyan dito sa qatar na muslim. Ang pilit niyang tinatanong sakin ay “sigurado daw po ba tayong mga katoliko na ang mukha ni jesus christ at ibang mga santo at santa sa representation na siyang imahe ay iyon daw po ba ang kahawig na pagmumukha sa tunay na pagkatao?” sana po maliwanagan po ako at maisagot ko po sa knya?
Salamat po
Kapatid na Christopher,
Kagaya ng mga naging kasagutan ko na sa mga naunang tanong na kaparehas ng sa iyo, di natin kinakailangang makasiguro sa aspetong iyan sapagkat alam ng Diyos kung ano ang tunay na nilalaman ng ating mga puso sa tuwing tayo’y nagdarasal. Di kailanman naging “requirement” sa pagsamba ang eksakto at spesipikong imahen upang maging balido ang ating pagsamba at pagdarasal sa Diyos.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
@fperito, dapat yung puno ang humarap sa diskusyun. Puno laban sa puno pagdating sa relihiyon. Sa labanang spiritual, dapat ang pamunuaan ang lumalaban. Ito basahin mo sa talatang ito kasi baka hindi mo alam..
Efeso 6:12 – Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
Simpleguy,
Walang kawawaan ang iyong mga tugon sa aking hamon sa isang diskusyon. Huwag mong ipasa ang responsibilidad kay Bro. Eli bagamat nakahanda akong makipag-diskusyon sa kanya sa pamamagitan ng Weblog na ito.
Ang sitas na iyong sinipi ay walang kinalaman sa hamon ko ng diskusyon. Ang sitas na iyan ay tumatalakay sa kung paano dapat harapin ng isang mananampalataya ang hamon ng sanlibutan.
Hindi nga ba’t ganito ang bilin ni Pablo?
“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.“ 2 Kay Timoteo 4:2 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Samakatuwid, kung ikaw ay isang tunay na mananampalataya, dapat ay kaya mong tindigan ang hamon ko ng diskusyon.
@fperito, ito isa pang talata para matuto ka. Bawal talaga pagsamba sa rebulto. Wag ka na makulit kasi mali ka talaga. Wala ka sa katwiran. hindi mo sinagot ang tanong ko, takot ka ba kay kapatid na Eli Soriano?
Awit 115:4-8 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita; Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila nguni’t hindi sila nangakakaamoy; Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakakatangan; mga paa ay mayroon sila nguni’t hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.
Kaya magisip-isip ka kapatid.
Simpleguy,
Lubhang di mo naiintindihan ang mensahe ng sitas na iyong ipinaskil. Napakalinaw na ang Awit 115:4-8 ay tumutukoy sa mga diyos-diyosan. Ang mga imaheng gamit naming mga Katoliko ay hindi mga dios-diosan kundi simbolismo ng Diyos. Kung paanong ginamit ng Diyos ang simbulo ng ahas doon sa ilang upang pagalingin ang mga natuklaw nito.
“At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,” Numbers 21:9 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ang paggamit naming mga Katoliko ng simbolismo sa pagsamba ay walang ipinagiba sa simbolismong binabanggit sa sitas sa itaas.
Iyan ang kailanma’y di ituturo sa inyo ng inyong mga pastor sapagkat mawawalan ng kabuluhan ang kanilang kristisismo sa Iglesia Katolika.
At bilang panghuli, kung hindi mo tatanggapin ang hamon ko ng diskusyon sa weblog na ito ay makabubuti pang wag ka na lamang magkomento ng mga walang kawawaan sapagkat patuloy ka lamang na napapahiya sa tuwing napapatunayan ko ang kababawan ng iyong pagkaunawa sa mga aral ng Biblia.
Kapatid na FPerito,
Magandang araw po uli sau, hindi ko po nakumbinsi itong kasama kong muslim na kenyan national tungkol dun sa tanong nyang pinaparating ko sau. Dhil kung ganun nman daw pla na di kelangan ng eksakto at specific na imahe pra maging balido ang pagdarasal, bat daw kelangan pa yang mga imaheng yan sa simbahan ng iglesia katolika at niyuyukuran pa?
Isa pa nyang katanungan,bkit daw ang bibliya ay binabago ng tao gayong ang qur’an daw nanatili sa orihinal,tulad ng sa 1chronicles 21:1 maliwanag daw na di magagawa ni david na sambahin si satanas,pero sa versedaw na yan, isa daw sa diyos ni david ay si satan?
Kapatid na Christopher,
Ang paggamit ng simbolismo sa pananalangin ay isang tradisyon na ginagawa na simula pa nung panahon ng mga apostol.
“Ano pa’t ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.” Mga Gawa 19:12 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Napakalinaw Kapatid na sa panimula pa lamang ay gumagamit na ng simbolismo ang mga Kristiyano bilang tanda ng kanilang pananalig sa kapangyarihang magpagaling ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga apostol. Walang masama sa paggamit ng simbolismo basta’t buong-puso mong iniaalay sa Diyos ang iyong pagsamba, pagpupuri at pananampalataya.
Ukol naman sa Qur’an, maaari mong itanong sa katrabaho mo ang bagay na ito.
Bakit ipinasunog ni ‘Uthman ang ibang salin ng Qur’an kung talagang walang kaibahan ang mga salin na ito?
Pagpalain ka nawa ng Diyos!
FPerito,
Cge po itatanong ko po sa knya yang tungkol sa qur’an na sinunog. Pero po ung sa 1chronicles 21:1-2, binasa ko po sa internet kanina totoo po na si David ay inutusan ni SATAN na bilangin ang israel at juda. Sinunod po ni david si satan, at inutusan ni david si joab na punong kawal upang bilangin ang israel? So paano po nangyari to? Kung mali nung sumulat ng bible dapat noon pa alam na ng mga simbahan ito. Minsan tuloy maiisip mong maniniwala ka pa ba sa bible kung may mga mali sa nakasulat nito?
Yan po ang puna ng mga muslim dito kya pilit nila akong inanyayahan na pumasok sa kanila!
Kapatid na Christopher,
Kung ating isasailalim sa tinatawag na exegetical analysis and mga sitas na iyan, malalaman natin na walang kontradiksyon sa nasusulat.
“At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.” 1 Chronicles 21:1 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“At ang galit ng Panginoon ay nagalab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda.” 2 Samuel 24:1 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Sa unang tingin ay tila nga tama na magkakontra ang dalawang sitas sa itaas. Ngunit kung ating isasaalang-alang ang paraan ng pagsulat ng mga sumulat ng lumang tipan, malalaman natin na para sa kanila, ang anumang nangyari sa mundo ay kagagawan ng Diyos bagamat may mga bagay na “pinahihintulutan” lamang at di direktang ginawa ng Diyos.
Sa sitas sa itaas, malinaw na ayon sa 1 Chronicles 21:1 ay si Satanas ang tumukso o nagtulak kay David para bilangin ang Israel ngunit para sa sumulat ng 2 Samuel 4:1, ang naturang hakbang ay kagagawan ng Diyos sapagkat PINAHINTULUTAN niya ito. Ngunit dapat nating isaisip na HINDI LAHAT ng pinahintulutan ng Diyos ay ginawa Niya ng direkta. Bilang halimbawa ay ang sitas na sumusunod.
“At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.” Job 1:12 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw na sa sitas sa itaas ay PINAHINTULUTAN ng Diyos ang mga bagay na mangyayari kay Job NGUNIT si Satanas ang may gawa ng mga bagay na yaon. Ngunit kung iyong babasahin ang mga susunod na sitas, patuloy na sinasabi ng may-akda ng JOB na lahat ng nangyaring di maganda kay Job ay gawa ng Diyos.
“Nang magkagayo’y nagsiparoon sa kaniya ang lahat niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa’t tao nama’y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa’t isa’y ng isang singsing na ginto.” Job 42:11 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Sa pagunawa ng nasusulat sa Biblia ay kinakailangan nating isa alang-alang ang mga bagay na maaaring nakaka-impluwensiya sa paraan ng pagsulat ng mga may-akda ng bawat aklat. Ito ay upang maunawaan natin ng tama kung ano ang paraan ng kanyang pagsulat, ang paraan ng kanyang pagpaparating ng mensahe sa kanyang mga mambabasa at ang umiiral na kultura ng panahong naisulat yaon.
At ang paraang ito ay itinuturo lamang sa Iglesia Katolika.
Pagpalain ka nawa ng Diyos.
Isang paalala nga pala Kapatid, maging maingat sa pakikipag-usap sa mga Muslim mong katrabaho sapagkat lubha silang sensitibo sa mga kritisismo patungkol sa kanilang Propeta at sa kanilang Qur’an.
Kapatid na FPerito,
Once again good morning, di ko po alam paano nwala ung isang post ko? Well, ito nlng pong isang tanong ko. Kapatid, pasensya na po kau makulit po ako, kac po may bible study po kami next week. Wag po kau mag-alala isa po akong ROMAN CATHOLIC di ko po ipagkaila tong belief ko na to, sabi nga po ni JESUS CHRIST, ang magkaila sakin ay ipagkaila ko sa harap ng aking AMANG nasa langit. Kapatid saang libro sa bibliya mababasa ung paglalakbay ni PEDRO mula jerusalem hanggang roma?
Salamat po uli,mabuhay po kau?
Kapatid na Christopher,
Isang malaking kabalintuanan ang argumentong “di nasusulat sa biblia na nagpunta sa Roma si Pedro”. Ito’y sa kadahilanang hindi rin naman sinabi ng biblia “hindi nagpunta si Pedro sa Roma”. At kung ating muling aanalisahin ang biblia, mababasa natin ang sita na susunod:
“Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak.” 1 Pedro 5:13 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ang “Babilonia” ay ang tinatawag na “code-word” ng mga apostol para sa bansang Roma. Ito ay malinaw na binabanggit sa sumusunod na sitas:
“At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.” Pahayag 14:8 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ang “dakilang Babiblonia” na binabanggit sa itaas ay hindi ang maliit na bansang Babilonia ng panahong naisulat ang aklat ng Apokalipsis. Bagkus, ito ay tumutukoy sa napakalaking kaharian nung panahon na iyon at ayon sa pag-aaral ng mga biblical scholars, dalawa lamang ang maaaring maging kahulugan ng “dakilang Babilonia” at isa ang Roma sa mga bansang iyon.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
San mababasa sa biblia na pwede gawan ng simbolismo ang Diyos? Maliban jan sa ahas na mbangit mo dhil hindi nman patungkol sa Diyos yan? Bigyan nyo nga po ako ng spcfic na cnabi ng Diyos na gawan sya ng simbolo?
Kaibigang Emz,
Basahin mo ang mga sitas na ito:
“At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo: Ano pa’t ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.” Mga Gawa 19:11-12 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw sa mga sitas na iyan na si Pablo ang sumisimbulo sa mga gawa ng Diyos. At ang mga panyo o tapi na napapadaiti sa katawan ni Pablo ay itinuturing na nakapagpapagaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Hindi kinakailangang direktang hawakan ang Diyos sapagkat alam nating lahat na ang Diyos ay espiritu. Ngunit maaari tayong gumamit ng simbolismo tulad ng nababanggit sa sitas sa itaas upang kamtin ang handog na kagalingan mula sa Kanya.
Kapatid pcnxa na po at akoy nagsusuri lamang.. Ang pagkakaunawa ko po sa sitas ay ganito.. Kay pablo po sinabi yun at ang.Diyos mismo ang gumawa.. Pero wala nman po sinabi na tao an gumawa..isa pa po hindi nman po nya snabi na gumawa di tayo simbolo.
Kaibigang Emz,
Una, hindi spesipikong tagubilin kay Pablo na magpamigay ng mga panyo o tapi para magpagaling sa ngalan ng Diyos. Ito ay ginawa ng mga unang Kristiyano bilang tanda ng kanilang pananampalataya sa Diyos na sila ay gagaling mahawakan lamang ang mga panyo o tapi na napadaiti sa katawan ni Pablo. Gayundin, ginawa rin ng mga unang Kristiyano ang pumuwesto sa daraanan ni Pedro upang sila’y mapagaling sa paglilim ng anino man lamang ni Pedro sa kanyang paglalakad sa mga lansangan.
“Na ano pa’t dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila. At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila’y pawang pinagaling.” Mga Gawa 5:15-16 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Samakatuwid Kaibigan, ang paggamit ng simbolismo sa pananampalataya ay isang bagay na ginagawa na ng mga unang Kristiyano ayon mismo sa Banal na Kasulatan.
Tanomg ko pa po, bkit po mahaba ang buhok ni Lord sa mga larawan sa rebulto ng katoliko? Dba po mahalay yun sabi ng Biblya? 1 Corinthians 11:14 Doth not even nature itself teach you, that, if a man have long hair, it is a shame unto him?
Kaibigang Emz,
Ang tanong ay, ano ba ang ibig sabihin ng “mahabang buhok” nung panahon ng mga apostol? Base sa mga “iconographic depictions” gamit ang mga “archaeological artifacts” mula sa panahong iyon, malalaman natin na ang mga lalakeng hudyo nung panahon ni San Pablo ay may buhok na hanggang balikat samantalang ang mga babae ay hanggang baywang. Samakatuwid, marapat lamang na isiping para kay Pablo, ang ibig sabihin ng mahabang buhok ay hanggang baywang.
Salamat po sa sagot.. Sasamantalahin ko pa po ang pagtatanong.. Bro, did really Judas was a sinful man since it was distained by God to betray Lord Jesus to fulfill the prophecy of the old testament?
Kaibigang Emz,
Si Hudas Iskariote ay tunay ngang nagkasala hindi lamang dahil sa pagkakanulo sa Panginoong Hesus kundi dahil sa ginawa niyang pagpapatiwakal.
@fperito, isa pa din ang iglesiang tinutukoy. Marami kasing locale ang iglesia ng Dios. Gaya ng iglesia ng Dios sa Corinto, iglesia ng Dios sa Tesalonica, nakarating sa Pilipinas, Iglesia ng Dios sa bansang Pilipinas. Pinahihiwatig lang ang pagkalat ng iglesia sa iba’t ibang lugar. Pero hindi dapat palitan ang pangalan ng iglesia kasi Dios ang nagtayo nito hindi naman tao. Ikinalulungkot kong sabihin na hindi ninyo kayang patunayan na ang iglesia katolika ang tamang iglesia sa panahon nating ito.
Simpleguy,
Isa uling walang wawang tugon ang iyong ibinigay. Una, sa tugon mong iyan ay malinaw na hindi mo natatanto kung ano ang TUNAY NA KAHULUGAN ng salitang Katoliko. Bibigyan kita ng aral ukol sa bagay na iyan.
Ang salitang Katoliko ay nagmula sa mga katagang “kath-holou” na ang ibig sabihin ay kalat sa sanlibutan o “universal”. Maaari ba nating iakma ang katangiang pagiging kalat sa sanlibutan sa Iglesia ng Diyos? Ang sagot ay “Oo” sapagkat mismong si Pablo ay pinatunayan ito!
“Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.” Mga Taga-Roma 1:8 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“primum quidem gratias ago Deo meo per Iesum Christum pro omnibus vobis quia fides vestra adnuntiatur in universo mundo” Latin: Biblia Sacra Vulgata
“Πρῶτον μὲν εὐχαριστῶ τῷ θεῷ μου διὰ Ἰησοῦ Χριστοῦ ὑπὲρ πάντων ὑμῶν ὅτι ἡ πίστις ὑμῶν καταγγέλλεται ἐν ὅλῳ τῷ κόσμῳ” ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 1:8 Greek NT: Stephanus Textus Receptus (1550, with accents)
Samakatuwid, si Pablo mismo ang unang nagsalarawan sa Iglesia ng Diyos sa Roma bilang mga “Katholous” o may mga pananampalatayang kalat sa sanlibutan!
Kung si Pablo mismo ay tinawag na “Katholous” ang mga Kristiyano sa Roma, paano mo ngayon papatunayan na mali ang pagtawag sa amin bilang mga Katoliko? Pinalitan ba namin ang orihinal na tawag sa Iglesia ng Diyos na nasa Biblia? Ang sagot ay HINDI! Bagkus, sa paggamit namin ng salitang “Katholiko” ay buong puso naming inakap ang tunay na larawan ng Iglesiang tatag ni Kristo!
Ibigigay ko itong link ng website mo sa kapatid namin sa UNTV para maibulgar mga kabulaanan ng katoliko. para maiwasan ang pangliligaw ninyo sa kapwa tao. matagal ng hinahamon ng kapatid na eli soriano ang mga pari bago pa pumunta sa ibang bansa. Ang gusto naman ng mga ibang kalaban ni bro. eli sa isang lugar na puwedeng magkagulo kasi may mga ibang relihiyon ng handang pumatay dahil lang sugo. meron niyan sa panahon natin. Iglesia Katolika yan ay talagang nakakasukang Iglesia!!!!!!!
Simpleguy,
Lubhang nakikita sa iyong mga tugon ang pagiging desperado mo at nababatid ng lahat ng mga mambabasa sa weblog na ito ang kawalan mo ng kakayahang tindigan ang aral ng iyong kinaaanibang sekta.
Tanggapin mo ang aking pahintulot para ipagkaloob sa UNTV ang link sa weblog na ito. At tatanggapin ko ang inyong hamon ng diskusyon DITO SA WEBLOG na ito.
magandang araw po, ako po ay isang miyembro ng katoliko, tanong ko lng po, mron po bang purgatoryo kc sabi ng ibang relihiyon ay wala dw pong nka-sulat sa bibliya na may purgatoryo at pinag-pe2rahan pa dw po ng mga katolikong pari ang aral ng purgatoryo.
nawa’y matugunan po ninyo ang aking tanong, malaking 2long po ang webblog na ito para sa pag-pasok ko sa seminary sa darating na june.
maraming salamat po
Kapatid na RJ,
Imumungkahi kong basahin mo ang http://www.catholic.com/blog/matt-fradd/the-logical-case-for-purgatory para sa mas malalim na pagtalakay sa iyong katanungan.
Salamat po at pagpalain ka nawa ng Diyos sa iyong planong maging lingkod Niya bilang bahagi ng kaparian ng Iglesia Katolika.
magandang araw po!
meron po akong katanungan!
sabi kasi ng nkausap kong Born again na,ang pagbabasa po daw ng bibliya ay mortal sin?
Kapatid na Jayson,
Pakitanong sa nakausap mong born-again kung anong sitas sa biblia ang nagpapatunay noon.
Salamat.
I just want to ask, Kung hndi talaga ang mga imahe ang sinasamba ninyo, tanong kolang, bakit ninyo pinag aagawan ung maitim na kahoy sa quiapo? Ung tinatawag ninyong nazareno???
Grabe milyon-milyong mga katoliko ang gustong humalik, pumunas ng panyo at makahawak sa kahoy nayon. Then pag tinanong mo sila kung bakit nila un ginagawa, nagmimilagro daw kase. Hahaha. Cgurado kahit kahoy pa ng narra ang halik halikan ninyo, cguradong hndi un magmimilagro. Tapos sasabihin ninyo hndi un ang sinasamba nio?
Kung may isang salita kayo, bakit hndi ninyo sawayin ang mga tao at sabihin na hndi talaga nagmimilagro ang kahoy na yun? Baket natatakot ba kaung mawalan ng mga mananampalataya? At maubo ang nagsisimba? At syempre mauubos din mga offerings.
Isa pa, bakit pag may lumuluhang mga imahe sinasalok ninyo un tapos pinupunas ninyo sa may mga sakit, kase nakaggaling???
Isang maliwanag na ebidensiya na ung katas galing sa kahoy ang nagpapagaling???
Ang sa tingin ko po, ginagamit nalang ng demonyo yang mga kahoy na yan para maligaw ang marami.
Nakakaawa naman po kayo
Sa iyo Ginoong Lacsimar,
Unang-una, nais mo pong linawin sa inyo na ni minsan ay HINDI hinihimok ng pamunuuan ng Iglesia Katolika ang mga katoliko na makipag-agawan sa prusisyon ng Nazareno. Isang malaking kasinungalingang sabihin na ang mga nagaganap sa pista ng Nazareno ay bunga ng pagtuturo ng mga Kaparian sa Iglesia Katolika sapagkat alam ng lahat na ang gawing ito ay “dini-discourage” ng Simbahan taun-taon.
Ukol naman sa tanong mo ukol sa mga imahen, alam mo ba na ito ay itinuturo ng biblia?
“At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo: Ano pa’t ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu.” Mga Gawa 19:11-12 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Kita mo na kapatid? Malinaw na nasusulat sa Biblia na mismong ang mga naunang Kristiyano ay naniniwalang ang mga panyo o tapi na napadaiti lamang sa katawan ng isang tanong malapit sa Diyos ay nakagagaling at nakapaglilinis ng mga naaalihan ng masamang espiritu.
Salamat po.
sir pls help, what is the teaching of our Church regarding the eating of blood… eto po ksi gnamit ng mga sabadista at inc…pls help,Mga Gawa 15:28-29 more power Godbless!
Kapatid na Patrick,
Pakibasa ang nasusulat sa artikulong ito.
http://www.catholic.com/tracts/distinctive-beliefs-of-the-jehovahs-witnesses
Kung may tanong kang nais maliwanagan pagkabasa mo ng artikulo sa itaas, malugod kitang sasagutin.
Salamat at pagpalain ka nawa ng Maykapal.
Bro sabi mo ang larawan ay kumakatawan kay kristo nakakasiguro ba kayo na ang larawang napapako sa krus sa loob ng simbahan ay syang mismong larawan ni kristo paano pag balik ni kristo ay di gayon ang kanyang itsura at merong diablo na naganyong kalarawan ng rebulto sa simbahan tama ang ibang mga katoliko sasabihin hindi sila maniniwala na si kristo ang nagpakitang yun pero paano yung ibang kung sa mga pagpasensyahan na ang aking pananalita ay mga mangmang hindi po bat kaawa awa naman sila kung sila ay maakit dito..at kailanman po ay hindi pinagutos ng panginoong Jesus na igawan sya ng larawan upang dito tayo sumamba sa kanya
Sa iyo Jhong,
Hindi kinakailangang eksaktong imahen ni Kristo ang kawangis ng mga larawang gamit naming mga Katoliko. Sapat ng alam nating lahat na si Kristo ay nagkatawang-tao upang malaman natin na ang imahen ng tao ay minsang naging wangis ng Diyos.
At nabasa mo na ba ang talatang ito?
“Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: Sapagka’t ako’y nagutom, at ako’y inyong pinakain; ako’y nauhaw, at ako’y inyong pinainom; ako’y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako’y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako’y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. Kung magkagayo’y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka? At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.” Mateo 25:35-40 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Lubhang napakalinaw mula sa talata sa itaas na ang Panginoong Hesus ay kawangis ng ating kapwa kung kaya’t hindi na natin kailangang malaman ang eksakto Niyang hitsura para gumawa ng Kanyang representasyon.
Salamat sa iyo.
Brod fperito.. Salamat saiyo.. PAgpalain ka.
maraming salamat sa mga nabasa ko at marami aqng natutunan. Isa akong katoliko nasasaktan ako at kung minsan umiiyak dahil bkit ganun nlng ang pag hamak sa katolisismo. gusto kong ipagtanggol ngunit nanatili akong tahimik at walang mgawa sa mga naririnig ko. anu nga ba dapat gawin? hahayaan ko nalang ba sila?
Sa iyo Kapatid na Chessander,
Ang pananahimik ay hindi masama laluna’t batid mong di pa sapat ang iyong kaalaman sa pagtatanggol sa doktrina ng Iglesia Katolika. Ang maipapayo ko ay patulong kang magsasaliksik upang mapayabong mo ang iyong kaalaman sa ating mga aral. Lumapit ka sa inyong parokya at makilahok sa mga pamayanang tulad ng CFC, Charismatic atbp. Sa tulong nga mga kapatid sa pamayanan ay unti-unti kang lalago sa larangan ng “Catholic Apologetics”.
Salamat at pagpalain ka nawa ng Maykapal.
may ititanong pa ako tungkol sa bautismo, paano ba ang tamang proseso sa bautismo? at para san ba ito? Na bautismuhan na aq sa pangalan ni Hesus Kristo nung bata pa aq peo may nagsabi sa akin hindi pa raw yun, dapat daw magbautismo ulit aq at dun pa lang daw mahuhugasan ang lahat ng kasalanan ko at ako’y hinihikayat nya. Ano ba dapat kong gawin? sa totoo lang gusto kong sabihin ayoko peo sa paanong paraan po? dapat ba aqng sumama sa kanya?
Sa iyo Ellfred,
Hinihikayat kitang basahin ang artikulong ito mula sa http://www.Catholic.com
http://www.catholic.com/tracts/infant-baptism
Pagnilay-nilayan mo ang mga nasusulat sa pahinang iyan. At pagkatapos, kung may tanong ka pa, malugod kitang sasagutin.
Salamat po.
ang galing ..thanks.. at nakita ko nga na mali ang tinuturo ni brod eli … balik katoliko na ko .. thanks at pinakita nitong blog mo ang tunay na landas … 🙂 mabuhay ka brother ..
Bakit natin nasasabi na ang paglilingkod at paggalang ng iglesia katolika sa mga Rebulto at Imahen na kumakatawan sa kanilang “mga santo” ay anyo ng pagsamba sa diosdiosan .
Una inaamin mismo ng Iglesia katolika na sa mga katoliko ay pinapasamba ang mga “SANTO”
10.”What is SAINT?”A saint …is a one who is in heaven ,and has been presented by the church for the PUBLIC WORSHIP of the faithful.
kaya dyan hayag na pinapasamba talaga ang mga “SANTO” presented by the church for the “PUBLIC WORSHIP”
13.Is the WORSHIP OF THE SAINTS confined to thier persons?””No ,it extends also to their RELICS and IMAGES”
Reference:Catchism of Christian Doctrine No.3 pg.86
Hindi lang pala sa “mga santo” ang pagsamba na inuukol ng iglesia katolika sa mga tinatawag nilang mga santo kundi tumatagos din ito sa kanilang mga relikya at mga imahen kaya pala makikitaan natin ng marubdub na pagpapahalaga ang mga kababayan nating katoliko kasi pinapasamba sa kanila ito kaya makikita mo ang mga katoliko na humarap at lumuluhod sa imahen ,nanalangin sa harap ng imahen,humahalik sa imahen,nag-aalay ng pagpuri at handog sa harap ng imahen ang mga ito ay anyo ng kanilang pagsamba sa mga santo na inutos ng simbahan sa mga tapat nyang mananampalataya at tagasunod.
Ngayon alam na natin na pinasasamba ang “mga santo “sa iglesia katolika ?Ang tanung natin ito ba ay utos ng Dios .Ano ang tagubilin ng Dios sa Ukol sa pagsamba.
“Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus,Humayo ka satanas :sapagkat nasusulat sa PANGINOON mong DIOS sasamba ka,at siya Lamang ang iyong PAGLINGKURAN.(Mat.4:10)
“…SUMAMBA ka sa DIOS…”(Apoc.19:10,Awit 86:9)
Sa iyo Light of the World,
Isang malaking kabalintunaan ang iyong komento. Unang una, ang reperensiyang ipinaskil mo ay hindi isang OPISYAL na dokumento mula sa Iglesia Katolika. Diyan pa lang ay mapapatunayan na natin ang intensyon mong iligaw ang mga mambabasa ng weblog na ito.
Ikalawa, ang ipinagbabawal ng Biblia ay ang pagsamba sa mga rebulto o imahen bilang diyos-diyosan. Ngunit kung ang mga imahen o rebulto ay representasyon lamang ng Diyos o ng mga banal na pumanaw na, at kung ito ay hindi sasambahin bilang diyos-diyosan, walang masama sa bagay na ito.
Salamat sa iyo Kapatid.
bakit po may mga rebolto at larawang inanyuan tayo,diba kasuklam suklam yun sa Diyos?
Denz,
Ang kasuklam suklam sa Diyos ay ang mga rebulto o larawang inanyuan na sinasamba bilang diyos-diyosan.
“Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka’t akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.” Deuteronomio 5:6-10 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw na nasusulat sa Biblia ang bagay na iyan. Samakatuwid, kung hindi mo sasambahin diyos-diyosan ang isang imahen o rebulto, walang masama sa pagkakaroon o paggawa nito.
Pagpalain ka nawa ng Diyos.
Isang mapag palang araw po kapatid na fperito.
Isa po akong katoliko….paano ko po sasagutin ang mga anti-catholic sa mga akusasyon na mali daw po ang pamamaraan ng binyag ng katoliko… ang original na meaning daw po ng binyag ay “to submerge” ibig sabihin kailangan daw ilubog sa tubig ang taong binibinyaga..
salamat po.
Kapatid na Ferdie Lopez,
Maaari mong basahin ang paliwanag sa pahinang http://www.catholic.com/tracts/infant-baptism
Pagpalain ka nawa ng Maykapal.
In this modern times,dumarami na ang bilang ng mga homosexuals sa mundo.Ang tanong ko lang ay,paano kung bakla or tomboy sila subalit sila ay nakakagawa ng mabuting asal at sumisilbi sa diyos,posible bang makapasok sila sa langit.May tinuro ba ang banal na biblia ukol sa isyung ito??
Sa iyo Kaibigang Jun Balili,
Hindi kinamumuhian ng Diyos ang mga bakla o tomboy KUNDI ang mga gawaing homosekswal tulad ng relasyong sekswal sa kapwa lalake o kapwa babae.
“Dahil dito’y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka’t pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo: At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;” Mga Taga-Roma 1:26-28 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Samakatuwid, ang pagkakasala ay wala sa pagiging bakla o tomboy KUNDI sa pagganap ng mga gawaing homosekswal na mahalay sa harap ng Diyos. Kung ang isang bakla o tomboy ay hindi nakikipagniig sa kapwa nila lalake o kapwa babae at patuloy na gumagawa ng kabutihan, mayroon silang pagkakataong maligtas.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal.
Bro. Batiin lng kita. Dami ko natutunan dito. Keep up the good work. May the holy spirit guide you always.
sa aral nating mga katoliko ay naniniwala tayo tungkol sa “ASUMPTION OF MARY”,,may sapat ba na batayan ang simbahang katoliko dito na nakaukit sa biblia ukol sa opisyal na pagdeklara nito.
Kapatid na Jam,
Una, dapat nating pakatandaan na ang Iglesia Katolika ay naunang itinatag bago ang pagbuo ng makabagong Biblia. Na ang makabagong Biblia ay binalangkas at isinaayos ng Iglesia. Sa kadahilanang ito, mali na hanapan natin ng pruwebang mula sa biblia ang doktrinang itinuro ng ating Iglesia mula pa man sa una.
Ang doktrina ng ‘Assumption of Mary’ ay nabuo at pinatatag ng mga sinaunang kasulatan ng mga naunang Ama ng Simbahan (Early Church Fathers) at sa tulong na rin ng mga Didache at ‘extra-biblical’ na reperensya tulad ng ‘Protoevangelium of James’.
Pagpalain ka nawa ng Diyos na Maykapal.
Kapatid na FPerito, musta na po?
May tanong po uli ako tungkol po sa pananampalataya natin. Ito kasing mga ibang sekta pilit tlga ako pinapaniwala na natalikod daw ang unang iglesia. Di ko pa po nabasa ung librong, The Great Apostasy. Tanong ko po: TOTOO PO BANG NATALIKOD ANG UNANG IGLESIA?
Mraming salamat po kapatid na FPerito sa pagtatanggol sa pananampalataya natin, mabuhay po kau?
Kapatid na Christopher,
Maraming tumalikod sa unang Iglesia NGUNIT HINDI NATALIKOD ang buong Iglesia. Sapagkat si Kristo mismo ang nagsabing mananatili Siya sa Kanyang Iglesia hanggang sa dulo ng panahon.
Pakibasa po yung diskusyon sa pagitan ng isang Katoliko at isang INC sa https://katholico.wordpress.com para mas maunawaan ninyo po ang aking pinupunto.
Pagpalain ka nawa ng Maykapat.
Bro. fperito,
Member po ako ng CFC at kasalukuyang nagtatrabaho sa KSA. Salamat sa tulong ng blog nyo at nadadagdagan ang kaalaman ko para magpaliwanag sa mga tumutuligsa sa Katoliko.
Kada Linggo po ay ibinabahagi ko sa Tagalog ang Ebanghelyo kasama ng mga pagninilay ng mga pari sa mga kasama ko dito sa trabaho. Ang iba ay sa email at sa mga nasa field na walang access sa email ay printed copy. Tama po ba na kahit hindi Katoliko, basta Kristyano, ay ipamahagi ko ang print copy ng kanilang Homily? Dati po kasi ay mga katoliko lang ang binibigyan ko. Pero maraming Kristyanong hindi katoliko ang humihingi at binibigyan ko naman.
Kapatid na Benito Andal,
Walang masama sa iyong ginagawa. Ipagpatuloy mo ang gawaing iyan na pagpapakalat ng salita ng Diyos NGUNIT pakatandaan po natin na mahigpit na IPINAGBABAWAL sa Saudi ang ganyang mga bagay kaya maging maingat po tayo at ayaw po nating mapahamak kayo sa gawaing iyan.
Patnubayan at pagpalain ka nawa ng Panginoong Diyos.
pagpapalain po kayo ng Panginoon ….isa po akong roman catholic at isang ofw and presently working in Saudi Arabia..ang problem po namin dito ay
1) Catholic church is prohibited in this country.
2) We do not have anyone to go to if we have a problem regarding our faith,
do not have a priest or any religeous layman …
3) if we commit a mortal sin …saan po kami maaaring mag confession…is
praying directly to him ( Jesus Christ ), will provide absolution for our sins?
okay n rin po b kaya sa catholic churh yun….
I know this are some questions that some of us here wants to clarify…maraming salamat po…alam ko you are not a priest but if you can give us an answer much better…dami n kasing na coconvert dito from other religion kasi nga we can not even assemble to show our faith…god bless…dami po akong natutunan from your blog….maraming salamat …..
Kapatid na Ray,
Ganito ang sinasabi ng Cathechism of the Catholic Church.
Among the penitent’s acts contrition occupies first place. Contrition is “sorrow of the soul and detestation for the sin committed, together with the resolution not to sin again.” When it arises from a love by which God is loved above all else, contrition is called “perfect” (contrition of charity). Such contrition remits venial sins; it also obtains forgiveness of mortal sins if it includes the firm resolution to have recourse to sacramental confession as soon as possible. (CCC 1451-1452)
Samakatuwid, katanggap tanggap ang nasabing tapat na paghingi ng kapatawaran kahit na hindi ka nagkumpisal KUNG walang pari na maaaring magbigay ng kumpisal NGUNIT ito ay dapat na may kalakip na sinserong kagustuhang mangumpisal sa isang Pari kung may pagkakataon.
God bless.
dba ang simpleng pgluhud sa harapan ng mga rebulto at ang pghahanda sa mga kaarawan ng fiesta ay isang paraan ,ng pgsamba sa dios dyusan ,, dhil sabi sa biblia wag muh silang pglilingkuran o ni luluhuran man lng
Mali. Sapagkat batid ng Diyos kung ano ang tunay na nilalaman ng ating mga puso sa tuwing tayo’y nagdarasal sa harap ng mga imaheng representasyon ng Diyos.
“At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa’t nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka’t ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios.” Lucas 16:15
may pag-asa pa bang matigil ang pagyukod natin sa mga rebulto??
Hindi kailanman itinuro ng Iglesia Katolika na sambahin at yukuan ang mga imahen bilang Diyos.
Maraming salamat brother, lalong lumalim ang aking kaalaman sa ating relihiyon.
magandang araw po Bro. FPerito.. npapakaganda at very percise ang iyong mga kasagutan sa mga katanungan ng ating mga kapatid. isa po akong katoliko. may gusto lang po akong itanong kasi gusto ko pong magkaroon sana nang sariling bibliya. ano po ba ang magandang bibliya at po yung mga palatandaan sa pagpili ng bibliya. maganda kako kasi sa pagkaalam ko ngayon maraming nang salin ang bibliya at marami pong lumalabas na bibliya na kulang ang laman ng mga bersikulo. kasi walang silbi ang pagbabasa ng bibliya kung hindi mo naman nauunawaan mabuti kung ano ang nilalaman niyaon hnd po ba? maraming salamat po & God Bless..
Kapatid na Lloyd,
Irerekomenda ko ang Douay-Rheims Catholic Bible bilang reperensya. Ngunit kung wala kang mahanap na Douay-Rheims, kahit na anong bibliyang may “Imprimatur” ng Iglesia Katolika ay maaari mong gamitin.
Pagpalain ka nawa ng Diyos.
ang pagluhod ba ay tumutukoy sa pagsamba? kung tumutukoy ito sa pagsamba bakit ang mga Iglesya ni Manalo ( INCM) ay me pagluhod. kailan yung miinistro nila pinatungan ng kamay ni manalo. at yung mga ministro nilas nung ipatong ang kanilang kamay sa kapwa ministro nila.
kapatid wag mung iligaw yung mga tao, ang sbi sa exodo 20:4,6 wag kang gagawa ng larawang inanyuan o ng anumang kawangis, sukat ang bgyan mu ngkatuwiran eh yung wag kang yuyukod o luluhuran, ksama pi yun sa ipinagbabawal d lng yung pagyukod at pagluhod, una pa nga sya eh ang sbu wag, pag snabing wag bawal un! wag kang gagawa tas ang bawal lng yung yumkof at lumuhod anu yun?
Kapatid na Oly,
Wag mo kasing putulin ang sitas. Hindi ganyan ang tamang pagbasa ng biblia. Bakit mo nilaktawan ang Exodo 20:5 at yung Exodo 20:4 at 6 lang pinagtuunan mo ng pansin? Ito ang nasusulat.
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Malinaw sa bersikulo 5 na ang pagbabawal ay para sa paggawa ng larawang inanyuan o kawangis PARA yukuran o paglingkuran bilang ibang diyos. Napakalinaw kaya’t wag mong pira-pirasuhin ang mga sitas.
bro, my tanung ako anu po ba pagkakaiba nang mortal sin at venial sin.at panu ko mapagtatanto na ang nagawa ko pa lang kasalanan ay mortal sin na. yung office mate ko ang kasalanan daw ay kasalanan dati syang katoliko kami ay nagpapalitan ng mga aral aminado ako na mang mang ako sa bibliya.kaya di ko masagot ang iba nyang tanung sa ating mga katoliko.
Kapatid na Leo,
Malinaw ang nasusulat:
“Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.” 1 Juan 5:16 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw kapatid na dalawang uri ang kasalanan.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal!
hello po …
.
inabot aq ng umaga sa kababasa ng mga comento d2 …
hnd po aq relihiyosong tao,
hnd dn po ako nag babasa ng bibliya
gayon pa man na niniwala akong my dios,,,
sa blog na i2 marami akong natutunan
isa po akong katoliko,,,
kamakailan lang ng imbitahan ako ng isang katrabaho na mag attend ng
bible study nila ,,, pina unlakan ko po ang imbitasyon …
bagaman hindi lubosan nauunawaan ang grupong iyon ,
hnd ako nakatangi ng alokin ako mag pa baptismo …
tanong ko lang po….
nag kasala po ba ako ?anu po ang dapat kung gawin ?
salamat po…
Ang bautismong tinanggap mo nung ikaw ay sanggol pa ay hindi maaaring burahin ng simbolikong bautismo na ginagawa ng mga protestanteng grup na tulad ng sa mga born-again at INC. Hindi maaaring ituring na pagkakasala ang nangyari sa iyo laluna’t ayon sa iyo, ikaw ay napilitan lamang.
Tandaan mo kapatid na ang pananampalataya ay isinasapuso at hindi kayang baguhin ng kahit na anong simbolismo.
bakit sinasabi nating mga katoliko na sinless si Mary samantalang sabi ng bible na no one is perfect, NO ONE 🙂
“At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat: kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat.”
Si Kristo ay walang bahid. Kung gayon, hahayaan ba ng Ama na kanlungin si Kristo sa sinapupunan ng isang taong may bahid ng pagkakasala?
kapatid na fperitu..,binabati kita sa iyong mapagpakumbabang katalinuhang kaloob ng ating makapangyarihang diyos. nais ko lang sana na mabigyan mo ako ng kaunting kapaliwanagan sa napakatagal ko nang kuro-kuro..! ganito po iyon” napakahirap pong sundin ang yapak ng ating panginoong hesus na nagkatawang tao na bagamat mayroon siyang kapangyarihan na makapangyayari o hindi ay niloob pa rin niya na maipako siya sa krus alang alang sa kaligtasan nating lahat at matupad ang kasulatan at kalooban ng diyos ama. alam po natin na bago pa mn likhain ang sanlibutan ay diyos na si kristo hesus. kahit na ilang beses na uulit-ulitin na xa ay bumalik at ipako ulit sa krus ay okey lang kc nga makapangyarihan xa. kahit maramdaman nya ang sakit ay ok lang dahil diyos naman po xa db?
hindi po tulad natin o tulad ko ay ordinaryong tao lamang na kung papasanin ko ang kanyang krus at mgpapako niyon ay cguradong napakasakit at d ko na maibabalik ang aking buhay kapag nalagot na ito. paxnxa na po sa aking komento at hanggang ngayon yan ang gumugulo sa sa isip ko…” matagal ko na pong idol c hesus mula nung bata pa ako at makilala ko po siya…! maraming salamat po mabuhay po kayo…!
Kapatid na Rogelio.
Hindi natin kailanman maaaring tularan ng literal ang pagpapakasakit at pagkamatay ng Panginoong HesuKristo sa krus. Pero ito ang sabi Niya sa atin.
“Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.” Juan 14:23-24 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Samakatuwid Kapatid, hindi natin kailangang gayahin ang pagpapakasakit at pagpapapako ni Kristo bagkus, ang kailangan nating gawin ay ang tuparin ang Kanyang mga turo.
God bless.
Kapatid na fperito, Nais ko lang po malaman kung bakit “Santo Papa” ang tawag sa ating Pope. Adventist ang mga boss ko sa trabaho at may “Bible Study” kami pag hapon isang beses kada linggo. At talaga namang sinisiraan nila tayo. Bakit daw HOLY FATHER e dapat daw si God lang ang Father.
Active po ako sa ating simbahan. Youth leader po ako sa Parish at sa Charismatic community.
Alam ko po ang silbi ng ating Pope. Yung term lang talaga para maipagtanggol ko ang ating pananampalataya.
God bless! 😀
Kung maaari po ay maging connected po tayo thru email o Facebook.
Salamat po!
Kapatid na Jay.
Irerekomenda kong basahin mo ang artikulong ito para sa mas malinaw na sagot sa iyong katanungan.
Pagpalain ka nawa ng Diyos.
I’m so thankful for this blog. grabe, answered prayer. ang bilis. 🙂
muntik nko maligaw ng landas s “Christian” but one of my friend help me to realize na walang mali sa religion nating “Catholic” at, bago tumalikod s relihiyong kinagisnan alamin muna ito ng lubusan bago husgahan. 🙂
first question po. kasalanan po ba ang nagawa ko? dahil tinanggap ko po ang pagImbita ng christian sa kanilang church?
second question po, bilang isang kabataan kakaunti lamang po ang aming kaalaman sa ating relihiyon kaya ganoon na lamang po kami maimpluwensyahan ng ibang relihiyon. sa ano pong paraan namin matutunan kung anong mayroon sa ating relihiyong katoliko?
Kapatid na Anne.
Walang masama o mali sa pagsusuri at pakikinig sa aral ng ibang sekta o denominasyon. Ginawa ko rin ang ganyan noong una at hindi lang minsan kundi makailang ulit. Nagpadoktrina ako sa mga born-again, INC, Mormons, Saksi ni Jehovah at sa Islam. Pero sa huli, matapos ang ilang taon ng pagsusuri, natanto kong nasa tamang iglesia na ako sa Iglesia Katolika. Basta ang mahalaga, manatiling tapat sa iyong paniniwala, maging bukas ang isip sa pagsusuri at matutong magtanong sa mga mas nakakaalam kung mayroon kang di nauunawaan sa ating mga aral o doktrina.
Sa ikalawa mong tanong, maipapayo kong dumulog sa inyong simbahan at alamin kung ano ang mga pamayanang pananampalataya sa inyong parokya na maaari ninyong aniban. Nariyan ang Marian, ang SFC, ang Koro, at marami pang iba.
Pagpalain ka nawa ng Maykapal.
Tandaan mga Kapatid Mababasa natin e2 sa Bibliya
bagamat d e2 ang pinaka nakasulat bilang sa pagkakaunawa qo dva cnabi ni jesus Wag ninyo Pag awayan ang Aking Salita malinaw..
wag po taung maxadong mag pagalingan na animoy may palaro May cnabi ba sa biblia na Pag taluhan at pag awauan nyo ang aking salita wala.wag nyp idadahilan na cnasabi nyo ang katutuhan lahat tau nag sasabi ng katutuhanan pero mali ang pamamaraan may icp kau at may pinag aralan gamitin e2 sa tama hindi sa mali Nag mamagaling ba kau o cnasabi na kayu ang tama katoliko po ako Masama ang paninirang Puri
Kaibigang Jobert,
Ano nga ba ang nasusulat ukol sa pagdidepensa sa iyong paniniwala?
“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.” 2 Kay Timoteo 4:2 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw na nasusulat Kaibigang Joel na tungkulin ng isang Kristiyano ang sumawata at sumaway sa mga maling pangangaral.
At oo, Katoliko ako. At oo, tama ang mga Katoliko.
God bless!
Salamat sa kaliwanagan,.
More power and God bless!
Tanong Ko lang po,
May bisa ba ang Dispensation ng Pari ukol sa first cousin marraige dito sa pilipinas
Hindi kita masasagot dyan. Makabubuting magtanong ka sa inyong kura paroko.
Magandang araw po, ako po ay isang chatolic nagsisimba po lagi, kaso po isang araw napaasip po kasi ako sa nabasa ko sa bible. Ask ko lang po kung ang tung kol sa ating panginoong jesucristo, patungkol sa kanyang panalangin bago po siya ipag kanulo ni hudas, na ang panalangin nya po ay kung maaari po na lumampas sakanya ang sarong ito o ang parusa”. Naisip ko lang po kung siya po at ang diyos ay iisa bakit pa po niya kailangang manalangin, nalumalabas na parang kinakausap lang niya ang sarili kung iisa lang rin sila ng kinakausap niya pagnananalangin? Ask lang po hope ng answer po.
Nangyari ang gayun sapagkat si Kristo ay nagkatawang-tao at kinailangan Nyang pagdaanan ang mga bagay na yao bilang tao at hindi bilang Diyos.
magandang gabi po fathere perito ako po ay isang mananampalatayang katoliko…..tanong ko lang po na bakit po ba tuwing fiesta ng mahal na itim na nazareno ay maraming nagaagawan upang makahawak o di kaya po ay makahalik sa poon ng nazareno o minsan pa po ay maraming nadidisgrasya dahil po doon sa poon….sa tingin niyo po ba natutuwa po ang panginoong hesukristo sa ganyang sitwasyon??maraming salamat po…
Hindi ho ako Pari, nililinaw ko lamang po iyan.
Matagal na pong tinututulan ng Iglesia Katolika ang panatisismo nating mga Pilipino sa mga Santo. Ngunit ang pagsunod sa pagtutol na ito ay nasa-sa bawat tao at hindi idinidikta ng ating Simbahan.
magandang gabi po….father tanong ko po ilang po ba ang panginoon nating sinasampalatayanan po nating mga katoliko..salamat po…
Una, hindi ho ako pari. Isang ordinaryong katoliko lamang ako na nagsusuri at nagtatanggol ng mga aral at doktrina ng Iglesia Katolika.
Ikalawa, isa lamang ang Panginoong ating sinasampalatayanan at ito’y ang Panginoong HesuKristo lamang.
Tanong ko lang po ano po ba ibig sabihin ng pag sign of the cross natin mga katoliko? bawal po ba ito?
Hindi po bawal ang pag-aantanda ng krus o Sign of the cross. Sa katunayan, ang pag-aantanda ng Krus ay isinasagawa na ng mga unang Kristiyano simula pa noong ikatatlong siglo.
Tertullian, who died about A.D. 230, said, “In all our actions, when we come in or go out, when we dress, when we wash, at our meals, before resting to sleep, we make on our forehead the sign of the cross. These practices are not committed by a formal law of scripture, but tradition teaches them, custom confirms them, and faith observes them”.
Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ang antanda sa noo ay sumisimbolong nasa isip natin ang Diyos. Ang antanda sa tiyan o dibdib ay sumisimbulo na nasasaloob natin ang Diyos. Ang antanda sa magkabilang balikat ay nagsasabing isinasabuhay at isinasabalikat natin ang aral ng Diyos.
ung mga ANTI CATHOLIC napakadali ng intindihin ang mga SAGOT sa tanong hnd pa rin naiintindihan mga kapatid sana hipuin ng dyos ang inyong isipan para maintindihan nyo.
Tanong ko lang po sana,katoliko po ako,ang nobya ko po ay born again,hinihikayat nila akong mag convert sa religion nila ng family nya.pero hndi po nila ako nadala,tanong q lang po kung tama ang ginawa kong pagtanggi,at bakit po?tska anu po ba ang mga mali sa born again?
Kapatid, maipapayo kong sumangguni ka sa pari sa inyong parokya upang mas lubos mong maunawaan ang mga kasagutan sa iyong mga katanungan.
fperito, ako po ay isang ordinaryong katoliko na maraming ring katanungan at iniisip dahil sa mga naririnig kong mga paliwanag ng ibang sekta talagang akoy naguguluhan na minsan naisip ko na lumipat ng ibang sekta pero sa mga nabasa ko at babashin ko pa dito sa blog ninyo…. naway maging matatag akong isang katoliko gusto ko lang sana na mas marami pang mga ordinaryong katoliko ang maabot at mapaliwanagan, at matuto sa salita ng Diyos sana po ay dilang sa simbahan mas palawigin pa ang programa ng ating simbahan ang pag abot ng kamay ng mga taong gustong malaman ang tunay na kaligtasan.
august
Salamat po at pagpalain po kau
Kapatid, manalig kang nasa tama kang daan at aral habang nasa loob ka ng Iglesia Katolika. Pagpalain ka nawa ng Diyos.
Kapatid panu tayo mananampalataya kung hnd ntin nakikilala yung sinasampalatayanan ntin.Mas higit na mag aral tyo ng SALITA nya (BIBLE) ito ang binigay ng DIyos na kaparaanan kung panu ntin xa makikilala at malaman ang kalooban nya sa bawat isa satin…Ang SALITA nya ang magtuturo satin kung panu tyo dpat sumamba na magiging kalugod lugod sa knya..Huwag nating panghawakan ang relihiyong kinaaaniban ntin dhil hnd yan ang magliligtas sa atin, tamang relasyon sa kanya (JESUS) ang nais nya sa atin. Binigyan tyo ng Diyos ng pamantayan na dpat nating sundin at gawin. Binigay nya si Jesus sa atin (JOHN 3:16) pra magkaron tyo ng tamang relasyon sa kanya (JOHN 14:6) si Jesus ang katotohanan at wl ng iba. Kung maniniwala lng tyo s knya maliligtas tyo. Pero kung magpapatuloy pa rin tyo sa mga nakagisnan ntin paniniwala mga kaugalian at tradisyon ng tao, mga katuruan ng tao isa lng pupuntahan ntin kapahamakan. Mas importante makinig tyo at sumunod sa pinag uutos ng Diyos sa atin kesa sundin ang pinag uutos ng tao.
Kung nalilito ka sa pananampalataya mo at hnd mo lubos na nakikilala si Jesus nand2 ako. God will make a way pra makilala mo xa ng husto kung nais mo xa sa buhay mo na maging Diyos at tagapagligtas. Si God ang magtuturo sau at magpapakilala sa pamamagitan ng SALITA nya (BIBLE).
You can email me….gimkel6@yahoo.com….Godbless u..
Sa iyo Gerald Javier.
Lubos akong naguguluhan kung tunay ngang nagbabasa ka ng Biblia. At kung nagbabasa ka nga, nauunawaan mo ba ang binabasa mo?
Dahil kung totoong nauunwaan mo ito, bakit hindi mo alam ang kahulugan ng talatang ito?
“Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.” 1 Kay Timoteo 3:15 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Malinaw, Gerald, na ang katotohanan sa pananampalataya ay sumasa-Iglesia noong una pa man.
Ano ang kahalagahan nito?
Ibig sabihin, hindi kailanman kinailangan ng indibidwal na mga bahagi ng Iglesia na mag-aral ng pansarili upang maunawaan ang mga Salita ng Diyos. Kailangan lamang na lumapit ang isang Kristiyano sa Iglesia upang maunawaan ang Salita ng Diyos. Sinomang tumaliwas dito ay malinaw na sinusuway ang aral ng Biblia.
May tanong lang po ako.
May tagapamagitan ba sa dios?
Kung dios po ang ating panginoong jesus sino
Po ang ginawa ng dios na tagapamagitan, sa dios at s mga tao ? At ano po ang kalagayan ng tagapamagitang iyon na ginawa ng dios.
Alam kong hndi mo isasagot si jesus kc sia ay dios.
Ano po ang kalagayan ng dios?
At paano sambahin ang dios base sa knyang kagustuhan n nakasulat sa biblia?
Ano po ang mga conditios ng dios n ipinauna upang sia ay sambahin?
Ano po ang kanyang ipinagbawal at kanyang kagustuhan?
Ang isip isip o gawagawa ba ng tao na gawin upang sambahin ang dios ay gusto din ba ng dios na un ay pamamaraan para sambahin sia? O ung pamamaraan na nakasulat sa biblia.
May iisang dios na tunay ba?
At kung meron cno ang dios na un?
Gusto ko po sagutin ito ayon sa banal na ksulatan salamat po.
Si Hesus ay nagkaroon ng dalawang kalagayan: Tunay na Diyos at Tunay na Tao. Samkatuwid, si Kristo bilang Tunay na Tao ay ang ating tagapamagitan sa Diyos Ama.
“Sapagka’t sa kaniya’y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,” Mga Taga-Colosas 2:9
Good evening po.Matanong lang Ano po kaibahan ng Katoliko sa Romano Katoliko? Thanks.
Maikling sagot, WALA.
Maari b bnyagan ang bta s katoliko kahit magkaiba ang relihiyon ng mga magulang nya?
Hindi po Kapatid na Myumi
good day po sayo kuya fperito, katoliko po ako, palaging nagreseach,
may nabasa po ako sa internet, sa got question, gaano po ito katotoo.
ito po.
Question: “What is the origin of the Catholic Church?”
Answer: The Roman Catholic Church contends that its origin is the death, resurrection, and ascension of Jesus Christ in approximately AD 30. The Catholic Church proclaims itself to be the church that Jesus Christ died for, the church that was established and built by the apostles. Is that the true origin of the Catholic Church? On the contrary. Even a cursory reading of the New Testament will reveal that the Catholic Church does not have its origin in the teachings of Jesus or His apostles. In the New Testament, there is no mention of the papacy, worship/adoration of Mary (or the immaculate conception of Mary, the perpetual virginity of Mary, the assumption of Mary, or Mary as co-redemptrix and mediatrix), petitioning saints in heaven for their prayers, apostolic succession, the ordinances of the church functioning as sacraments, infant baptism, confession of sin to a priest, purgatory, indulgences, or the equal authority of church tradition and Scripture. So, if the origin of the Catholic Church is not in the teachings of Jesus and His apostles, as recorded in the New Testament, what is the true origin of the Catholic Church?
For the first 280 years of Christian history, Christianity was banned by the Roman Empire, and Christians were terribly persecuted. This changed after the “conversion” of the Roman Emperor Constantine. Constantine provided religious toleration with the Edict of Milan in AD 313, effectively lifting the ban on Christianity. Later, in AD 325, Constantine called the Council of Nicea in an attempt to unify Christianity. Constantine envisioned Christianity as a religion that could unite the Roman Empire, which at that time was beginning to fragment and divide. While this may have seemed to be a positive development for the Christian church, the results were anything but positive. Just as Constantine refused to fully embrace the Christian faith, but continued many of his pagan beliefs and practices, so the Christian church that Constantine promoted was a mixture of true Christianity and Roman paganism.
Constantine found that, with the Roman Empire being so vast, expansive, and diverse, not everyone would agree to forsake his or her religious beliefs to embrace Christianity. So, Constantine allowed, and even promoted, the “Christianization” of pagan beliefs. Completely pagan and utterly unbiblical beliefs were given new “Christian” identities. Some clear examples of this are as follows:
(1) The Cult of Isis, an Egyptian mother-goddess religion, was absorbed into Christianity by replacing Isis with Mary. Many of the titles that were used for Isis, such as “Queen of Heaven,” “Mother of God,” and theotokos (“God-bearer”) were attached to Mary. Mary was given an exalted role in the Christian faith, far beyond what the Bible ascribes to her, in order to attract Isis worshippers to a faith they would not otherwise embrace. Many temples to Isis were, in fact, converted into temples dedicated to Mary. The first clear hints of Catholic Mariology occur in the writings of Origen, who lived in Alexandria, Egypt, which happened to be the focal point of Isis worship.
(2) Mithraism was a religion in the Roman Empire in the 1st through 5th centuries AD. It was very popular among the Romans, especially among Roman soldiers, and was possibly the religion of several Roman emperors. While Mithraism was never given “official” status in the Roman Empire, it was the de facto official religion until Constantine and succeeding Roman emperors replaced Mithraism with Christianity. One of the key features of Mithraism was a sacrificial meal, which involved eating the flesh and drinking the blood of a bull. Mithras, the god of Mithraism, was “present” in the flesh and blood of the bull, and when consumed, granted salvation to those who partook of the sacrificial meal (this is known as theophagy, the eating of one’s god). Mithraism also had seven “sacraments,” making the similarities between Mithraism and Roman Catholicism too many to ignore. Church leaders after Constantine found an easy substitute for the sacrificial meal of Mithraism in the concept of the Lord’s Supper/Christian communion. Even before Constantine, some early Christians had begun to attach mysticism to the Lord’s Supper, rejecting the biblical concept of a simple and worshipful remembrance of Christ’s death and shed blood. The Romanization of the Lord’s Supper made the transition to a sacrificial consumption of Jesus Christ, now known as the Catholic Mass/Eucharist, complete.
(3) Most Roman emperors (and citizens) were henotheists. A henotheist is one who believes in the existence of many gods, but focuses primarily on one particular god or considers one particular god supreme over the other gods. For example, the Roman god Jupiter was supreme over the Roman pantheon of gods. Roman sailors were often worshippers of Neptune, the god of the oceans. When the Catholic Church absorbed Roman paganism, it simply replaced the pantheon of gods with the saints. Just as the Roman pantheon of gods had a god of love, a god of peace, a god of war, a god of strength, a god of wisdom, etc., so the Catholic Church has a saint who is “in charge” over each of these, and many other categories. Just as many Roman cities had a god specific to the city, so the Catholic Church provided “patron saints” for the cities.
(4) The supremacy of the Roman bishop (the papacy) was created with the support of the Roman emperors. With the city of Rome being the center of government for the Roman Empire, and with the Roman emperors living in Rome, the city of Rome rose to prominence in all facets of life. Constantine and his successors gave their support to the bishop of Rome as the supreme ruler of the church. Of course, it is best for the unity of the Roman Empire that the government and state religion be centralized. While most other bishops (and Christians) resisted the idea of the Roman bishop being supreme, the Roman bishop eventually rose to supremacy, due to the power and influence of the Roman emperors. When the Roman Empire collapsed, the popes took on the title that had previously belonged to the Roman emperors—Pontifex Maximus.
Many more examples could be given. These four should suffice in demonstrating the origin of the Catholic Church. Of course, the Roman Catholic Church denies the pagan origin of its beliefs and practices. The Catholic Church disguises its pagan beliefs under layers of complicated theology and “church tradition.” Recognizing that many of its beliefs and practices are utterly foreign to Scripture, the Catholic Church is forced to deny the authority and sufficiency of Scripture.
The origin of the Catholic Church is the tragic compromise of Christianity with the pagan religions that surrounded it. Instead of proclaiming the gospel and converting the pagans, the Catholic Church “Christianized” the pagan religions, and “paganized” Christianity. By blurring the differences and erasing the distinctions, yes, the Catholic Church made itself attractive to the people of the Roman Empire. One result was the Catholic Church becoming the supreme religion in the Roman world for centuries. However, another result was the most dominant form of Christianity apostatizing from the true gospel of Jesus Christ and the true proclamation of God’s Word.
Second Timothy 4:3–4 declares, “For the time will come when men will not put up with sound doctrine. Instead, to suit their own desires, they will gather around them a great number of teachers to say what their itching ears want to hear. They will turn their ears away from the truth and turn aside to myths.”
ako po si ronald sagang
taga new bataan, compostela valley province
Maikling sagot, hindi totoo ang nakasulat sa Gotquestion.org.
Ang Gotquestion.org ay pagmamay-ari ng isang denominasyong laban sa Iglesia Katolika kaya’t madaling maunawaan kung bakit nito sinasalangsang ang Iglesia Katolika. Batid nila na sa tangka nilang paninira sa kasaysayan ng Simbahang Katolika ay magagawa nilang basagin ang katotohanang ang Iglesia Katolika ay ang TUNAY na Simbahang itinatag ni Kristo.
mac
sa aking pagbabasa tungkol sa paliwanag ni kapatid Fperito wala akong nakikitang mali sa mga komento nya ako ay napahanga sa lahat ng mga kasagutan sa lahat nagtatanung sayo nasagot mo ng malawak ng paguunawa sa simbahan roman katolika marami narin akong nasubukan o naatend na mga ibang religion pero kung iisipin ko iba lamang pamamaran peru halos lahat ay lagi pinatatamaan ang ating pananampalataya, peru kung susuriin natin ang mga sagot ni kapatid fperito ay walang masama sa sinabi nya ako ay napahanga dahil ako man nadagdagan ang kaalaman ko sa kanya bakit kaya pagaralan natin mabuti ang simbahan o alamin kasi marami sa mga tao they judge what doing katholic na tayo minsan nalilito nasa tamang pananampalataya ba ako tama ba ang ginagawa ko i think this is the rigth time to explore our knowledge about what is chatholic. na di nman kailangan lumipat
ok fine binago k dyan mo nakilala si jesuschrist go ahead do the write thing pero sana mga kapatid before you bakit di nyu unawain o palawakin ang isip natin why until now catholic still growing. im catholic also but open ako makinig sa lahat religion but im willing to learn more about chatolic walang masama sa sinabi kapatid ni fperito kung lalawakin nyu pagkakaintindi nyu sa cnabi nya
mac
sa aking pagbabasa tungkol sa paliwanag ni kapatid Fperito wala akong nakikitang mali sa mga komento nya ako ay napahanga sa lahat ng mga kasagutan sa lahat nagtatanung sayo nasagot mo ng malawak ng paguunawa sa simbahan roman katolika marami narin akong nasubukan o naatend na mga ibang religion pero kung iisipin ko iba lamang pamamaran peru halos lahat ay lagi pinatatamaan ang ating pananampalataya, peru kung susuriin natin ang mga sagot ni kapatid fperito ay walang masama sa sinabi nya ako ay napahanga dahil ako man nadagdagan ang kaalaman ko sa kanya bakit kaya pagaralan natin mabuti ang simbahan o alamin kasi marami sa mga tao they judge what doing katholic na tayo minsan nalilito nasa tamang pananampalataya ba ako tama ba ang ginagawa ko i think this is the rigth time to explore our knowledge about what is chatholic. na di nman kailangan lumipat
ok fine binago k dyan mo nakilala si jesuschrist go ahead do the write thing pero sana mga kapatid before you bakit di nyu unawain o palawakin ang isip natin why until now catholic still growing. im catholic also but open ako makinig sa lahat religion but im willing to learn more about chatolic walang masama sa sinabi kapatid ni fperito kung lalawakin nyu pagkakaintindi nyu sa cnabi nya
hello po .. ang ganda po ng blog na ito
Kapatid na fpirito nasa ako ay isang solido na katoliko meron po ako na nka debate sa sosial medya na membro ng INC. Ang tanong nya po sakin bkt daw po may katoliko e wala namn po naka lgay na katoliko sa bibliya. Ano po ba ang aking ipapa liwag kc po baluktot po sila mag basa ng bibliya hnd po nila isinasapuso masyado po silang litiral bumasa.. At isa pa pong tanong kapatid na fprito nasa ano po ba masasabi ninyo sa kanilang sugo daw na itinakda ng hula ni cristo.. Paki tulungan nyo po ako sa aking sa pag papaliwanag sa mga bulaan na mga ito. Pilit nilang niyuyurakan ang aral ni pedro na ayun po kay panginuong jesus😞
Kapatid Mycol, pakibasa ang mga talatang ito.
Ang salitang Katoliko ay nagmula sa mga katagang “kath-holou” na ang ibig sabihin ay kalat sa sanlibutan o “universal”. Maaari ba nating iakma ang katangiang pagiging kalat sa sanlibutan sa Iglesia ng Diyos? Ang sagot ay “Oo” sapagkat mismong si Pablo ay pinatunayan ito!
“Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.” Mga Taga-Roma 1:8 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“primum quidem gratias ago Deo meo per Iesum Christum pro omnibus vobis quia fides vestra adnuntiatur in universo mundo” Latin: Biblia Sacra Vulgata
“Πρῶτον μὲν εὐχαριστῶ τῷ θεῷ μου διὰ Ἰησοῦ Χριστοῦ ὑπὲρ πάντων ὑμῶν ὅτι ἡ πίστις ὑμῶν καταγγέλλεται ἐν ὅλῳ τῷ κόσμῳ” ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 1:8 Greek NT: Stephanus Textus Receptus (1550, with accents)
Samakatuwid, si Pablo mismo ang unang nagsalarawan sa Iglesia ng Diyos sa Roma bilang mga “Katholous” o may mga pananampalatayang kalat sa sanlibutan!
Kung si Pablo mismo ay tinawag na “Katholous” ang mga Kristiyano sa Roma, paano mo ngayon papatunayan na mali ang pagtawag sa amin bilang mga Katoliko? Pinalitan ba namin ang orihinal na tawag sa Iglesia ng Diyos na nasa Biblia? Ang sagot ay HINDI! Bagkus, sa paggamit namin ng salitang “Katholiko” ay buong puso naming inakap ang tunay na larawan ng Iglesiang tatag ni Kristo!
Kung si Maria ang babae sa Revelation 12:1 “At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin” hindi bat sya rin ang babae sa Revelation 12:2 “At siya’y nagdadalang tao; at siya’y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.”Pero ayon sa doktrina katolika walang hirap nanganak si Maria. So si Maria parin ba yung babae Revelation?
Ang natatala sa Aklat ng Apokalipsis ay hindi literal kundi pagsasalarawan.
Ang tinutukoy na “nagdaramdam sa panganganak” ay tumutukoy sa pighati ni Maria dahil sa pagpapahirap, pagpapako at pagkamatay ng kanyang Anak sa Krus ng Golgota. Pakatandaan mo ang sinabi ni Simeon.
“And his father and mother were wondering at those things which were spoken concerning him. And Simeon blessed them, and said to Mary his mother: Behold this child is set for the fall, and for the resurrection of many in Israel, and for a sign which shall be contradicted; And thy own soul a sword shall pierce, that, out of many hearts, thoughts may be revealed.” Luke 2:33-35
ITO ANG SASAGOT SA MGA TANONG NILA…..
UNANG UNA HINDI SINASAMBA NG KATOLIKO ANG MGA IMAHE REPRESENTASYON LANG YAN,,, SINO BANG TAO ANG SASAMBA SA KAHOY AT REBULTO?….AT WALANG TURO ANG SIMBAHANG KATOLIKO NA SAMBAHIN YANG MGA REBULTO…. SASABIHIN NYO EH NILULUHURAN NYO ANG MGA REBULTO….TANONG: KAPAG BA NILUHURAN AY SINASAMBA NA? SA KATUNAYAN si HARING SOLOMON AY MAY NILUHURAN DIN 1 HARI 8:54 At nangyari, na pagkatapos ni Salomon na makapanalangin nitong lahat
na dalangin at pamanhik sa Panginoon, siya’y tumindig mula sa harap ng dambana ng Panginoon, sa pagkaluhod ng kaniyang mga tuhod na ang kaniyang mga kamay ay nakagawad sa dakong langit,,,,SA HARAP NG DAMBANA ANO NGA BA ANG DAMBANA? kung babasahin natin ang englishg version ganto ang mababasa natin…When Solomon had finished all these prayers and supplications to the Lord, he rose from before the altar of the Lord, where he had been kneeling with his hands spread out toward heaven. 55He stood and blessed the whole assembly of Israel in a loud voice, saying:,,,,AYON SA HARAP NG ALTAR NG DIYOS,,,,sino ba ang may mga altar diba ang mga katoliko may ALTAR sa mga BAHAY nila at lalong lalo na sa SIMBAHAN ng KATOLIKO.,,, KINAKALIMUTAN NYO ANG EXODUS 20:3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. ANG LINAW LINAW ano ba ang ibang mga diyos? pinangalanan sa DEUTERONOMY 4:16-19 16Baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, 17Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid, 18Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa: 19At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit. tanong kasama ba jan ang imahe ng panginoon at mga banal?
Gusto ko lang po magtanong, sabi sa Biblia isang beses lang daw dapat binyagan. At ang binyag ng Katoliko ay hindi valid sapagkat iyon ay may kabayaran. May nag anyaya sa akin na relihiyon kung saan nabautismuhan ako (hindi ito madali sa akin sapagkat para ring minadali ang pag anib ko sa kanilang grupo). Ngayon, ay nais kong bumalik sa Katoliko. Maaari bang hindi na ako binyagan pero gagawin ko muli ang nakasanayan ko sa ilalim na Katoliko? Salamat po.
Kapatid na Confused.
Oo, maaari kang magbalik-loob sa Simbahan. Ang kinakailangan lang ay mangumpisal ka at buong kababaang loob mong aminin na nagkamali ka sa nagawa mong pagtiwalag mula dito.
Paano kung sabihin ko sayo na inutusan tayo na huwag isipin na may pagkaDiyos sa mga iyon? Mga Gawa 17:29Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)
29 Yamang tayo nga’y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. Kita mo?
Danilo Alvaro, sino ba ang nagsabi sa iyong aral sa Katoliko na may pagka-Diyos ang mga imaheng yaon?
Magkaiba ang “simbolismo ng Diyos” sa “may pagka diyos”.
Bakit Father yung tawag niyo sa mga Pari?, tatay mo ba yon? Mateo 23:9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka’t iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga’y siya na nasa langit. Inutos satin na huwag magatawag ng Ama sa mga tao
Danilo, bakit tinawag ni Pablo na “anak” ang mga taga-Galacia? Anak ba nya ang mga iyon?
Bantad sa paskil mo ang kawalang alam mo sa tunay na nilalaman ng Biblia.
Wala namang Roma Katoliko sa Bibliya ah, yung nandun Iglesya ng Diyos
1 Corinto 1:2 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa’t dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
Danilo, pwede mong tanungin si Pablo. Bakit?
Ang salitang Katoliko ay nagmula sa mga katagang “kath-holou” na ang ibig sabihin ay kalat sa sanlibutan o “universal”. Maaari ba nating iakma ang katangiang pagiging kalat sa sanlibutan sa Iglesia ng Diyos? Ang sagot ay “Oo” sapagkat mismong si Pablo ay pinatunayan ito!
“Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.” Mga Taga-Roma 1:8 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
“primum quidem gratias ago Deo meo per Iesum Christum pro omnibus vobis quia fides vestra adnuntiatur in universo mundo” Latin: Biblia Sacra Vulgata
“Πρῶτον μὲν εὐχαριστῶ τῷ θεῷ μου διὰ Ἰησοῦ Χριστοῦ ὑπὲρ πάντων ὑμῶν ὅτι ἡ πίστις ὑμῶν καταγγέλλεται ἐν ὅλῳ τῷ κόσμῳ” ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 1:8 Greek NT: Stephanus Textus Receptus (1550, with accents)
Samakatuwid, si Pablo mismo ang unang nagsalarawan sa Iglesia ng Diyos sa Roma bilang mga “Katholous” o may mga pananampalatayang kalat sa sanlibutan!
Kung hindi poh natin isama sa panalangin ang mga imahe ng mga santa o santo ay magkakasala po ba tayo..?
Kapatid na Gian, ang kasagutan sa tanong mo ay HINDI. Sapagkat hindi ipinag-uutos na gawing obligasyon ang pagdalangin sa mga Banal.
How can we respond to this:
If Christians really do not “pray” directly to the so called “saints”, why do they kneel down and profess their faith?
We can pray for others. In fact, love should impel us to do so. “Pray for one another,” wrote James. “A righteous man’s supplication, when it is at work, has much force.”—James 5:16
However, there is no mention in the Bible of any faithful worshipper of God praying to a “saint.”
Sir . Dati pa, nuon pa. Pabalik balik ako sa post mo and sobrang nainspired ako. Pero di kana nagsulat ulit. Sobrang dami kong tanong sayo kaptid at hindi ko alam if marereceive mu pa to. Im a Roman Catholic din and sobrang dami kong natutunan ako. May mga tanong lang ako. Alam ko yung role ni mama Mary kapatid pero dapat ba nating ipraise ng kapareho sa pag praise natin sa ating Diyos Ama ? At kapatid. Lagi kasi akong sinasabihan na bakit daw kumakain pa tayo ng dinuguan e sa bible makikita mo na talagang pinagbabawal daw iyon. Iyon yung mga katanungan ko kapatid na matagal ko ng tanungin sayo. Pagpalain ka nawa ng Panginoon.
Kumusta Kapatid na Ivan. Paumanhin at medyo may mga inasikaso ako sa aking pribadong buhay kung kaya’t medyo nakaligtaan ko ng sumagot dito.
Maaari mong basahin ang naisulat ko dati sa https://rccapologetics.wordpress.com/2011/04/15/the-ark-of-the-new-covenant/ upang mas malinawan mo ang posisyon ko sa iyong katanungan. At Kapatid, kailanman ay hindi natin ipainagmapuri ang Birheng Maria ng kapantay ng sa Diyos. Iginagalang natin ang Birheng Maria bilang Ina ng Diyos pero hindi bilang kapantay ng Diyos.
Ukol naman sa pagkain ng dugo at lamang kati, ano ba ang sinasabi ng Biblia? Basahin natin.
“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: 17Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni’t ang katawan ay kay Cristo. ” Mga Taga-Colosas 2:16
Samakatuwid Kapatid, walang sinuman ang maaaring humatol sa atin ukol sa pagkain ng dinuguan ayon kay Apostol Pablo.
madaming salamat sir fperito. katulad nga ng sabi ko bec of you i inspired to learn more about RomanCatholic. Im a really good Christian now and of course thats bec of the Holy Spirit and our Lord Jesus Christ. i learn a lot in catholic answer youtube or in there website and ofcource kasama nadin yung pagbabasa ko ng bible everyday and pag pray. medyo natawa nga ako sa tanong ko nun before sayo after knowing the truth. James 5:16- The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much. Thats why we pray to Saints bec they are alive with Christ and asking prayer to them is more powerful. Roman 8:38 nothing can separate us with the love of God. not even death can separate us with the love of God and lastly if your gonna ask me now why Catholic my answer is very simple. bec i want to experience how other early Christian worship and praise God. 🙂
at isa pa sa mga mali nyo, nakikipag debate kayo sa ibang relihiyon, ang salita ng Diyos ay buhay bakit kayo nakikipag debate gamit ang mga salita ng Diyos winawasak nyo ang bawat isa, nagkakaroon kayo ng di pagkakaunawaan nagkakaroon kayo ng pagkampi kampi.
humihinge pa kayo sa misa nyo ng mga handog o alay gaya ng mga pagkain
si Panginoong Jesus na ang mabuting handog
kung kayat ipinawalang bisa na ng Diyos ang pag aalay ng mga Tao sakanya ng mga Handog na kabayaraan sakanilang mga kasalanan,
Si Panginoong Jesus na ang mabuting handog kaya dapat hindi kayo humihinge ng ano man sa mga Tao gaya ng pagkain,
Kapatid na Reyjay, pahintulutan mo akong sagutin ang iyong mga katanungan.
Ukol sa pakikipagdebate – Ano ba ang sinasabi ng Banal na Aklat. Basahin natin.
“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.” 2 Timoteo 4:2
Samakatuwid, malinaw ang habilin ni Apostol Pablo kay Timoteo. Magsikat na SUMAWATA at SUMAWAY. Ang pakikipag-diskusyon o debate ng may respeto ay ineengganyo ng mismong mga Apostol kung kaya’t bakit mo ito minamali?
Ukol sa handog sa misa – Ipinagbabawal ba ang paghahandog tulad ng pagkain sa banal na misa? Ano ba ang sinasabi ng Banal na Aklat? Basahin natin:
“Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito’y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.” 2 Mga Taga-Corinto 9:5
Malinaw na ineengganyo ni Apostol Pablo ang pagbibigay ng abuloy basta’t ito’y ipinagkaloob ng kusang loob.
Magandang umaga po.can you pls help me po Kung anong possible answer PO sa tanong na to?slmat and godbless po
1. SA HULA NI APOSTOL JUAN MAYROONG MGA SIMBAHAN NA TUNAY NA NAITAYO SA KASAYSAYAN NG MUNDO, AT SILA AY KABILANG SA MGA SINULATAN NI HESUS NA DIYOS DAHIL SA KANILANG MGA ESPIRITUAL NA KALAGAYAN. ANO ANG MGA PANGALAN NG MGA SIMBAHANG ITO AT ANONG LIBRO SA BIBLIYA MAKIKITA O NAKASULAT ANG MGA ITO?
2. SA MGA SIMBAHAN SINULATAN NI HESUS AT ISINULAT NI APOSTOL JUAN SA HULA, ANONG MGA SIMBAHAN LANG ANG NATIRA HANGGANG SA HULI, AT ANO ANG KATAINGAN NILA NA KATULAD NG KATANGIAN NI HESUS NA KRISTO?
Kapatid na Rejaen.
Pinagpalang araw sa iyo.
Maaari mo bang ilatag ang mga sitas na binabanggit mo sa iyong katanungan?
May tanung po sana ako isa akong katoliko
Kapatid na John, ano po ang iyong katanungan?